Mahirap talagang kalaban ang isang team na may healer gaya ni Estes. At kapag ang Moon Elf King ang pag-uusapan, syempre si Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna ng Blacklist International ang unang papasok sa isip ng lahat nang MLBB pro scene fans.

Isa si Estes sa mga pinakadominanteng support heroes sa competitive scene ng Mobile Legends: Bang Bang. At kapag si OhMyV33nus na ang may hawak nito ay siguradong napakahirap pigilan ng hero sa tipikal nitong roam support role.

Estes build ni OhMyV33nus

Credit: Moonton

Pinaunlakan ng The Queen ng MLBB pro scene ang ONE Esports upang maibahagi ang kanyang Estes build. Ayon sa kanya, walang isang fixed na build si Estes dahil dumedepende ito sa kung sino ang mga kalaban.

“Ang build ng Estes, depende yan sa team composition ng kalaban,” sabi niya “Kapag more on crowd control sila, syempre kelangan mo ng Tough Boots. Kapag more on physical, kelangan mo ng Warrior Boots.”

Dagdag pa ni V33, may isang bagay na hindi maaaring mawala sa listahan ng mga items ng Moon Elf King. “Importante na mag-build ka agad ng Enchanted Talisman since sobrang lakas ng mana consumption ng heal niya,” ayon sa kanya.

Credit: ONE Esports

Mahalaga rind aw para sa isang Estes na magkaroon ng magandang depensa, na syempre nakadepende sa opensa ng kalaban.

“Mag-build ka ng mga defensive items, or kung kayang makapag-build ng cooldown [items], better,” sabi ng kapitan ng Blacklist. “Mag-build ka ng Immo, Oracle, ng Antique Cuirass, or Dominance Ice kung kelangan mo ng anti-regen.”

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.