Panalo ang Blacklist International sa lower bracket finals ng playoffs ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) Season 8.

Laglag ang Smart Omega matapos makatanggap ng 3-1 na pagkatalo sa kamay ng Blacklist International. Aabante ngayon ang Blacklist upang harapin ang ONIC PH sa Grand Finals.

Sa post-match interview, nagpahayag ng di masukat na kasiyahan ang Blacklist International team captain na si Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna. “Actually, hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala kung anong nangyari. Hindi ako makapaniwala na grand finalist kami.”

Ipinaliwanag din ni OhMyV33nus ang dahilan ng pag-iingay ng kanilang koponan matapos makuha ang panalo.

“Syempre for sure, alam na nila kung sinong pinakamaingay. Pinakamaingay si OHEB talaga. Alam naman natin yung rivalry between Blacklist and Omega kung gaano talaga kainit since ilang beses na rin nila kami natalo, sila pa yung naglaglag sa amin [papuntang lower bracket] ngayong playoffs. So parang sobrang redemption na kami rin yung maglaglag sa kanila.”

MLBB Blacklist International MPL PH Lower Bracket Finals Victory
Credit: MPL PH

Tungkol naman sa pagpuntirya nila sa jungler ng Smart Omega na si Raizen, ipinaliwanag ni OhMyV33nus ang rason sa likod ng strategy na ito.

“Nag-base lang kami sa kung anong nangyari sa match up namin sa upper bracket and also kung anong naging match up nila against ONIC. And nakita namin, going back to the regular season, parang paulit-ulit lang din yung ginagamit nya. And knowing na onsite yung event ngayon, may kailangan kaming targetin na isang player, which is si Raizen. Alam naman natin na si Raizen hindi pa nakaka-encounter ng ganitong set up ng tournament.”

Sa kanilang pagharap sa kanyang dating team na ONIC PH, masaya ang reyna ng Blacklist at inaming malaki ang bilib nya sa kapwa grand finalist. “I’m super happy nung nakapasok sila ng Grand Finals, nung natalo nila yung Omega,” masayang kwento ni OhMyV33nus. “Kasi personally, ever since pa lang mag-start yung season, Week 1 and Week 2, alam naman natin kung gaano silang nag-dominate. Alam ko na agad na it’s really ONIC time.”

MLBB OhMyV33nus crowned
Credit: OhMyV33nus

Magtutuos ang Blacklist International at ONIC PH sa isang best-of-seven series para sa Grand Finals upang malaman kung sino ang karapatdapat na koronahang kampeon ng MPL PH Season 8.