16 sa mga pinakamahuhusay na MLBB teams mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang nagtipon-tipon sa Singapore upang paglabanan ang Mobile Legends M3 World Championship.

Pero sinong team ang magwawagi? Makakuha kaya ng triple ang ONIC ID ng Indonesia, at idagdag ang M3 World Championship sa kanilang MPL S8 at MPLI trophies? Maipagtanggol kaya ng back-to-back MPL SG champions na EVOS SG ng Singapore ang kanilang home turf? O mayagkakaroon ba ng bagong kampeon mula sa North America, Brazil, Turkey, o Cambodia?

Kung sa tingin mo ay alam mo, patunayan mo dahil mahigit 27,000 Diamonds ang ipamimigay.

Simple lang ang pagsali.

Ni-level up namin ang Fantasy experience at meron nang dalawang paraan para maglaro: ang Pick’Em at ang bagong Live Fantasy experience.

Alin mang format ang laruin mo, mananalo ka pa rin ng Fantasy Tokens. Sa pagtatapos ng tournament, ang 10 players na may pinakamaraming Fantasy Tokens na nakuha mula sa M3 Live Fantasy o Pick’Em ay mananalo ng Diamonds.

  • 1st place – 3,500 Diamonds
  • 2nd to 4th place – 3,000 Diamonds
  • 5th to 10th place – 2,500 Diamonds

Paano maglaro ng ONE Esports Fantasy Pick’Em

Bago magsimula ang bawat M# match, meron kang pagkakataon na makakuha ng Fantasy Tokens sa paglalaro ng Pick’Em.

Ang kailangan mo lang gawin ay hulaan ang sagot sa tatlong tanong para sa parating na match:

  • Sinong mananalo?
  • Aling team ang makakakuha ng mas maraming kills?
  • Ilang beses makukuha ang Lord?

Pag-isipang mabuti dahil kelangang masagot ng tama ang tatlong tanong para makakuha ng points.

Ang lahat nang players na makakasagot ng tama sa tatlong tanong ay maghahati-hati sa 3,000 Fantasy Tokens prize pool.

Halimbawa: Kung 10 players ang nakasagot nang tama sa tatlong tanong, ang bawat isa sa kanila ay makakatanggap ng 300 Fantasy Tokens, ngunit kung limang players lang ang nakasagot sa tatlong tanong, makakakuha sila ng 600 Fantasy Tokens.

Paano maglaro ng ONE Esports Live Fantasy

Ang Live Fantasy ay ang bagong fantasy experience ng ONE Esports, kung saan maaari mong ma-enjoy ang fantasy experience habang nagaganap ang game.

Ganito ‘yon.

Sa bawat match, maaari kang gumamit ng resources upang magdagdag ng players sa iyong roster. Sa bawat kills, assists, at objectives na nakukuha ng mga players ay makakakuha ng points ang team mo. Mas magandang performance ng iyong mga players, mas maraming points din ang makukuha mo.

Ang mga players na may pinakamaraming points sa pagtatapos ng match ang mananalo ng Fantasy Tokens.

Paano gumawa ng roster

Sa simula ng bawat Live Fantasy match, magsisimula ang mga players sa Level 1 at bibigyan ng 100 Resources para gastusin sa pagdagdag ng players sa kanilang roster.

Para makapagdagdag ng players sa iyong roster, sundan lamang ang mga hakbang na ito:

  1. I-click ang Resource cost sa kanan ng player sa team menu.
  2. Ang napili mong player ay dadagdag na sa iyong roster. Pwede ka ring magkaron ng multiple copies ng parehong Athlete. Para gawin ito, iclick ang ‘+’ sign sa iyong napiling player.

Ang Resource cost ng bawat player ay nadadagdagan o nababawasan depende sa kanilang performance.

Live Fantasy Resources Cost

Pagpapalit ng roster at frozen roster

Maaari kang magdagdag o mag-alis ng players sa iyong roster sa kabuuan ng match, basta meron kang resources na magagastos. Ang tanging pagkakataon na hindi mo pwedeng palitan ang iyong roster ay pag Frozen ang roster at team menus.

Nangyayari ito pag may major events na nagaganap tulad ng malalaking team fights. Pag natapos na ang team fight, ang Frozen status ay magiging Unfrozen at maaari mo na uling baguhin ang iyong roster.

Live Fantasy Frozen Status

Pag-level up at pagkuha ng mas maraming resources

Magle-level up ka sa pamamagitan ng pagkuha ng points sa match. Sa pag level up ay makakakuha ka ng mas maraming resources na magagamit upang mas mapaganda ang iyong roster at makakuha ng mas maraming points.

Information Tabs (Desktop)

Makakakita ka ng impormasyon tungkol sa Live Fantasy at as match na nagaganap tulad ng rules, leaderboards, milestones, at match events sa tabs sa ibaba ng stream.

Live Fantasy Information Tabs Desktop

Information Tabs (Mobile)

Kung naglalaro ka naman ng Live Fantasy sa iyong mobile, maa-access mo ang information tabs sa pag-click ng main Navigation Menu button at piliin ang information tab na nais mong makita.

Live Fantasy Information Tabs Mobile

Pagkatapos ng bawat match, makikita sa leaderboard kung ilang Fantasy Tokens ang napanalunan mo.

live fantasy scoretable

Nagsimula na ang M3 Fantasy Live at magtatapos sa December 19, 2021.

Handa ka na ba? Mag-sign up dito!