Masayang inaanunsyo ng ONE Esports na ang aming MLBB Community Tournaments ay magbibigay na ng third-place prize na 2,500 Diamonds!

Ang mga kampeon sa bawat turneo ay mananalo pa rin ng US$150 (halos P8,000) habang ang mga runner-up ay makakakuha pa rin ng US$75 (halos P4,000).

Bukas ang mga kompetisyon sa mga players mula sa Singapore, Malaysia, Indonesia at Pilipinas na 13 years old at pataas.

Pwedeng-pwede sumali sa ONE Esports MLBB Community Tournaments ang mga players sa lahat ng rank, ikaw man ay Mythical Glory na, umaakyat pa patungong Epic o kahit pa ika’y bagito pa lamang sa laro. 

Akyatin ang leaderboard ng ONE Esports MLBB Community Tournaments at manalo ng Dias at Skins!

Samantala, ang bawat player ay may pagkakataon pa ring ma-feature sa monthly, skill-based leaderboard. Sa pagtatapos ng buwan, ang mga manlalaro na nasa tuktok ng leaderboard ay mananalo ng Diamonds at Skins.

  • Top 10 players: 1,500 Diamonds bawat isa.
  • 11th to 100th place: Raffle entry para sa isang Skin.

Ang mga player ay makakaipon ng points base sa narating nilang stage ng bawat turneo.

  • Round of 256: 1 point
  • Round of 128: 2 points
  • Round of 64: 3 points
  • Round of 32: 4 points
  • Round of 16: 5 points
  • Round of 8: 6 points
  • Semi-finals: 7 points
  • Runner-up: 8 points
  • Winner: 9 points

Para maging eligible sa leaderboard prizing, kailangang ibigay ng mga player ang kanilang IGN, user ID at server ID sa Battlefy. 

Ang kabuuan ng mga detalye patungkol sa ONE Esports MLBB Community Tournaments at kung paano mag-register ay matatagpuan dito.

Maaari niyong basahin ang orihinal na akda dito.