Ginawang mas kapanapanabik ng Moonton ang pag-aabang sa pagbubukas ng M3 World Championship dahil makukuha na ngayon ang M3 Pass sa in-game store.

Bagamat naging mainit ang pagtanggap ng mga fans sa battle pass na ito sa Mobile Legends, may mga ilan pa rin na nagdadalawang-isip sa pagkuha ng limited-time pass na ito.

Kaya naman para hindi na mangamba ang ilan sa mga fans, minarapat ng ONE Esports Philippines na alamin kung totoo ba ang hype na nakapalibot dito, kasama na din kung totoo ba ang bulong-bulungan na sulit ang M3 Pass ng Moonton.

Heto ang ilan sa aming mga karanasan sa pagkuha nito:

Ano ba ang M3 Pass at paano ito mabibili?

Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Ang M3 Pass ay ang battle pass ng Moonton na inilabas bilang pagpupugay sa pagdating ng M3 World Championship. Sa pagbili nito, maaaring makakuha ng limpak-limpak na freebies tulad ng skins, avatar borders, recall effects, emoticons at marami pang iba.

Madali lamang ang proseso para makuha ang M3 Pass sa Mobile Legends. I-tap lamang ang logo ng M3 sa opening screen ng laro, at mabubuksan mo ang M3 Pass page kung saan makikita mo ang rewards na maaaring makuha gayundin ang mga tasks na maaaring makumpleto para sa M3 Pass EXP.

Kahit wala kang pass, maaari kang makakuha ng M3 Pass EXP at makakuha ng ilang mga freebies. Kung gusto mong makuha ang lahat ng rewards sa mga events, kailangan mong i-purchase ang M3 Pass.

Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

I-tap lamang ang Purchase at makakarating ka sa page kung saan mamimili ka ng isa sa dalawang uri ng battle pass. Mapapnsin na may M3 Pass na 399 diamonds ang halaga, habang may Premium Pass na ngayon ay 699 ang halaga (dahil naka-70% sale ito ngayon, mas maiging kuhanin na ito)

Ang kaibahan lamang ng Premium pass ay may adisyunal ka na 3000 Pass EXP, M3 Exclusive Action at M3 Exclusive na Trail Effect na sulit na kung tatayain ang 300 diamonds na diperensya.

Swabe ang M3 Pass Roger Skin

Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Kung hindi mo pa napanood ang M3 Event Preview, ang Roger skin na Phantom Ranger ang isa sa mga pinakamalaking freebies na kasama sa M3 Pass.

Ibang klase ang hitsura ng Roger Phantom Ranger skin dahil mukha itong total overhaul ng kaniyang orihinal na look. Perpekto ang kombinasyon ng purple, white at gold na colorway ng skin na kapansin-pansin sa kaniyang accessories at sa kaniyang buhok.

Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Partikular na naiiba ang kaniyang baril na ngayon ay futuristic ang datingan kaya naman talagang nakakawili gamitin ang hero na ito ngayon.

Hindi ka mabibigo sa hitsura ng skin in-game dahil pati kami ay namangha sa kaniyang wolf transformation kung saan matingkad na purple at gold na kulay ang bumubuo sa kaniyang wolf form.

Sa halagang 399 diamonds o 699 diamonds, makukuha mo na ang exclusive skin na ito. Hindi ba’t yun palang ay sulit na? Pero hindi lang diyan natatapos ang rewards at karansan sa pagkuha ng M3 Pass.


Makakakuha ka ng rewards base sa M3 Pass EXP mo

Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Bilang pang-engganyo ng mga fans na patuloy maglaro, matalinong rewards system ang inilatag ng Moonton para sa mga manlalaro. Para makuha ang mga rewards na nakapaloob sa event, kinakailangan mo muna makatapos ng mga tasks para makakuha ng M3 Pass EXP.

May mga tasks na daily ang pag-reset at mayroon din namang weekly ang pag-reset. Alinman sa mga ito, kapag natapos mo ang task ay makakatanggap ka ng EXP para umangat sa iyong level. Mahahalintulad ito sa sistemang mayroon sa Starlight.

Maiging mag-login araw-araw para makita ang iyong pag-unlad sa levels at mabantayan ang mga tasks na dapat gawin para sa tiyansang makuha ang mga premyo!


Mga rewards na nakuha namin sa pagbili ng pass

Credit: Moonton

Pagkabili pa lamang ng M3 Premium Pass ay nakuha na agad namin ang Roger Phantom Skin, ang Exclusive M3 Glorious Trail, ang Exclusive Roger Action na “Interesting” na maaaring i-equip sa preparations tab sa laro.

Dahil sa adisyunal na 3000 EXP, agad naming na-claim ang Phylax Exchange Token (Si Phylax ang lalabas na bagong hero sa MLBB), ang M3 Banner of Morale, ang M3 Glorious Avatar Border libreng 3-day Starlight.

Credit: Moonton

At siyempre, ang gusto nating maabot lahat ay ang Level 75 kung saan maaaring makuha ng libre ang isa pang Roger skin, ang Fiend Hunter na isa pang pribilehiyo ng M3 Prime Pass users.

Para sa halagang 699 diamonds (ngayon), makakakuha ka ng lahat ng mga rewards at siguradong mas ma-eenjoy mo ang panonood ng M3 World Championship. Huwag ng magpatumpik-tumpik pa!

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuling balita tungkol sa Mobile Legends.