Mainit ang naging pagtanggap ng ONIC PH sa bagong roster ng Blacklist International sa unang serye ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) Season 9.

Kinailangang laruin ang lahat ng tatlong mapa ng best-of-three serye sa muling paghaharap ng MPL PH Season 8 at M3 World Championship grand finalist.

Nanatiling pareho man ang kanilang roster, na-iba naman ang resulta ng bakbakan matapos iselyo ng ONIC PH ang 2-1 panalo kontra Blacklist International.

Lancelot ni Kairi bininyagan ang bagong roster ng Blacklist International

Agad nagpasabog ang ONIC PH sa unang mapa ng ikasiyam na season. Nagtulong-tulong ang Lancelot ni Kairi “Kairi” Rayosdelsol, Phoveus ni Gerald “Dlarskie” Trinchera, at Kimmy ni Mark “Markyyyyy” Ectobañez para makontra ang Blacklist International.

Hindi nakaporma ang Balmond ng rookie na si Kent Xavier “Kevier” Lopez kahit pa muling sumandal ang kanyang koponan sa Estes na gamit ng nagbabalik-main roster na si Mark “Eson” Gerardo. Mula early game hanggang mid game, hindi bumitaw ang ONIC PH sa kalamangang kanilang naitala.

Naka-iskor pa ng mapangahas na Triple Kill si Kairi matapos maselyo ang ikalawang Turtle. Bagamat napatagal pa nang bahagya ng defending champions ang laban, isang malupit na initiation mula sa Chou ni Jaylord “Hatred” Gonzales ang nagbukas ng pinto para tuluyang makuha ng ONIC PH ang unang mapa ng serye.

ONIC PH bininyagan ang bagong roster ng Blacklist International sa MPL PH Season 9 opener
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Kinilala bilang MVP ng nasabing mapa ang Lancelot ni Kairi na nakapagtala ng pitong kills at apat na assists, kontra isang death.


Hilda at Dyrroth pinangtabla ng Blacklist International kontra ONIC PH

Sinubukan ng Blacklist International na ibahin ang timpla pagpasok sa ikalawang mapa. In-etsa-puwera na nila ang support na naghi-heal para palaruin ng Hilda si Eson.

‘Di gaya sa naunang mapa, nagawang pakabahin ng Blacklist International ang kanilang kalaban sa tulong ng Dyrroth ni Edward “Edward” Dapadap.

Nagawang pahabain ng ONIC PH ang laban dahil sa lakas ng wave clear mula sa Chang’e ni Markyyyyy at Yve ni Allen “Baloyskie” Baloy. Gayunpaman, ‘di ito naging sapat para tuluyang nilang mabaliktad ang laban.

ONIC PH bininyagan ang bagong roster ng Blacklist International sa MPL PH Season 9 opener
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Tinapos ng mga super minion ang laban habang sinusubukan ng ONIC PH na agawin ang Lord mula sa Blacklist International.


Fanny ni Kairi sinelyo ang serye para sa ONIC PH

Hindi ito ang unang beses na ginamitan ng Fanny ang Blacklist International, pero isa ito sa mga tila pambihirang pagkakataon na na-uwi sa panalo ang nasabing pocket pick.

Maagang tinambakan ng ONIC PH ang kanilang kalaban pagdating sa kills. Nakahinga lang red side nang makapitas ang Aulus ni Kevier habang pumu-push sila sa butas nang middle lane.

Bagamat napahaba pa ng matagumpay na pagdepensang iyon ang laban, napatunayang masyado parin malalambot ang lineup ng Blacklist International para sa Fanny ni Kairi.

ONIC PH bininyagan ang bagong roster ng Blacklist International sa MPL PH Season 9 opener
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Salamat sa pagselyo ng ONIC PH sa Luminous Lord bandang 23 minuto ng bakbakan, napagtagumpayan nila ang unang serye ng MPL PH Season 9.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa Mobile Legends: Bang Bang, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: MPL PH Season 9 Power Rankings: Blacklist, Nexplay at RSG PH ang teams to beat