Isa ka ba sa mga na namomroblema dahil hindi na kasing-smooth katulad ng dati ang Mobile Legends: Bang Bang sa iyong device, sa kabila ng patuloy na pagdagdag ng bagong heroes at in-game content?

Puwes, maaaring hindi mo na kailangan mag-upgrade ng bagong phone salamat sa Operation Attention, ang bagong update mula kay Moonton para sa mga manlalarong gumagamit ng low-end phones.

Ano nga ba ang Operation Attention ng MLBB?

Limang aspeto ang pinaganda ng Operation Attention, kagaya ng Battle Experience, Phone Storage, Resource Download, Interface Loading, at Reconnection.

Makatutulong ang update na ito upang mapatakbo ang MLBB sa mas mataas na frame-rate at ‘ultra’ na graphic setting kahit pa sa mga low-end na device.

Operation Attention Resource Management
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Pagdating sa storage space, mas matipid na ng 10% ang laro dahil puwede nang burahin ang mga local files. Pwede na rin i-uninstall ang ibang resources para lalong mapaluwag ang phone storage, gaya ng in-game skins na kumakain ng mas maraming frame rate pero hindi naman masyado naka-aapekto sa paglalaro.

Maaasahan din ng mga manlalaro ang mas mabilis na download speed sa tuwing may update ang client salamat sa pinaraming linya mula sa package papunta sa pinagda-download-an.

Solb na rin ang ibang reconnection issues sa Operation Attention

Credit: Moonton

Biglang nautusan ni nanay at kailangan mag-disconnect habang pick and ban phase?

Hindi mo na kailangan mag-alala dahil ipinapangako ng bagong update na mas mabilis ka na rin makaka-reconnect. Ipinangako rin ng update na ibabalik ka nito kung saan ka man na-disconnect.

Mapapanood ang lahat ng itinatampok ng Operation Attention sa video na ito: