Ihuhulma ng magiging resulta ng Week 8 ang hitsura ng MPL Philippines Season 11 playoffs, partikular na para sa Blacklist International na nananatiling nakatuon sa pagkuha ng mahalagang upper bracket slot.

Ngunit bago makuha ng defending champions ang makapangyarihang seeding para sa postseason, may ilang kailangan na maganap sa huling linggo ng regular season. Sinilip ng ONE Esports ang ilang sitwasyon na magiging pabor para sa Blacklist.


Mga sitwasyon kung saan makukuha ng Blacklist ang tiket sa Upper Bracket ng MPL PH S11 Playoffs

Credit: MPL Philippines

Bagamat nakasakay ang Blacklist ngayon sa mainit na 5-game winstreak at nakapuwesto sa third spot sa standings, mapanghamon ang huling linggo para sa koponan.

Nakatakda kasing kaharapin ng pangkat ng Tier One ang numero-unong Bren Esports na nagnanais ding maselyo ang sarili nilang upper bracket slot, gayundin ang makamandag na Nexplay EVOS na desperadong makakuha ng tagumpay para manatili sa karera sa playoffs.

Pinakapabor para sa Blacklist kung magagawa nilang mabuwag ang The Hive sa 2-0 tagumpay, at makalawit din ang sweep kontra sa Nexplay sa huli nilang match sa season. Mainam din para sa kanila kung maiisahan ang Bren, at mabibinbin sa 27 points ang ECHO sa kanilang huling dalawang matches. Dito masisigurado ang upper bracket para sa Blacklist.

Credit: MPL Philippines

Kung mananalo sila ng 2-1 kontra Bren, may pagkakataon pa ring makuha ng hanay ang mahalagang seeding. Sa puntong ito, malaki ang tiyansa na Bren ang makakaselyo ng unang upper bracket slot dahil nakatapat sa maximum 29 points ang makukuha nila habang ang maximum naman para sa Blacklist ay 28 points.

Ang 28 points na ito ay magagawa din lamang ng defending champions kung mawawalis nila ang White Tigers.


Credit: MPL Philippines

Sa madaling sabi, napakahalaga ng magiging resulta ng dalawang huling laban ng Blacklist at ang magiging resulta ng Week 8 para sa Bren at ECHO. Kaya naman inaasahan na magiging pasabog ang kongklusyon ng regular season.

Sundan ang pinakahuli sa MPL PH sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Paano masisiguro ng ECHO ang top seed sa MPL PH S11 playoffs?