Ang teaser ng nalalapit na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup (MSC) exclusive skin, ang Earth’s Mightiest Claude, ay na-release na at hindi na makapaghintay ang mga Claude mains!

Sa teaser trailer, nakasuot ng futuristic outfits sina Claude at Dexter, may kasma ring mga high tech na gadgets at weapons. Kung titignang maigi, makikitang arm cannon ang nasa kanang kamay ni Claude imbis na rifle, kagaya ng arm cannon ni Mega Man.

Pinagandang abilities ng Earth’s Mightiest Calude

Wala pang confirmation kung magiging epic o special ba ang skin. Di rin naman importante ‘yon dahil lahat ng kanyang abilities ay mas pinaganda para bumagay sa itsura ng skin.

Blue lasers na ang lumalabas sa cannon ni Claude habang wala naming pinagbago ang shooting effects ni Dexter.

Ang Art of Thievery ay naglalabas ng blue and white wave habang ang Battle Mirror naman ay nagsa-summon ng holographic version ni Dexter na katulad ng kanyang default skin pero may blue laser shooting effects.

Para sa kanyang ultimate na Blazing Duet, laser shots na ang lumalabas sa halip na mga bala. Ang circle indicator na nakapalibot kay Claude ay pinaganda para magkaron ng robotic-theme at maging mas kapansin-pansin.

Paano makuha ang MSC exclusive Earth’s Mightiest Claude skin

Tulad ng nakalagay sa pangalan ng skin, time-limited lamang ‘to at pwede lang ito makuha kung bibili ka ng MSC Tournament Pass.

Kagaya ng Starlight rewards system. Mas marami kang makukuhang rewards kung papataasin mo ang level ng iyong Tournament Pass. Ang kailangan mo lang gawin ay kumpletuhin ang daily tasks at hulaan ng tama ang winner ng bawat MSC game. Ganun lang kadali!

MLBB MSC Tournament Pass Interface
Screenshot by Julian Elona/ONE Esports

Pwede kang makakuha ng Sacred Statues, avatar borders, at special MSC emote habang mas pinapataas mo ang level ng iyong Tournament Pass. Wala pang opisyal na anunsyo kung magkano ito kaya abangan nyo lang ang mga susunod na detalye.

Malapit nang maging available ang Earth’s Mightiest Claude sa in-game store.