Bilang isang self-proclaimed “gamer at heart,” nagsimula si John Ferrer bilang isang streamer dahil inudyok siya ng isang kaibigan na subukan ito. Nagumpisa ang kaniyang streaming journey noong Disyembre 2018, at pitong buwan siya nag-stream nang tuloy-tuloy. Ngunit nangahulugan ito na iwanan niya ang kaniyang trabaho.
“Tinry ko siya mga how many months din, 6 months, 7 months ako straight nag-stream. Nagdecide ako non mag-quit sa trabaho ko kasi hindi talaga kaya pagsabayin yung streaming at work. So 7 months straight nag-stream ako tuloy-tuloy and luckily nakapasa ako sa Facebook gaming. Na-hire ako [bilang isang] content creator ng Facebook streaming,”ani ni Hypebit$.

Ang best part ng pagiging isang streamer? Hawak mo ang oras mo, sabi ni Hypebit$.
“Best part, siguro I’d say yung freedom mo, wala ka kasing ano, kumbaga ikaw yung boss sa sarili mong trabaho. Ikaw yung, meron kang freedom magstream whenever you want, or parang wala kang iisipin na may deadline ganito ganyan. Plus at the same time bonus din kasi na yung trabaho mo is yung gusto mo talaga kasi naglalaro ka lang but it doesn’t necessarily mean na maglalaro ka lang kasi off stream marami pang workload,” ani niya.
Ngunit dahil sa pandemya, dumami na ang streamers sa Facebook, pero hindi nangangamba si Hypebit$ sa mga kompetensiya na dumarating dahil alam niya na mayroon siyang maibibigay na kakaiba sa mga online viewers.

“Ang content ko talaga, ang nagustuhan sakin ng audience is yung pagiging hyper ko sa stream and energetic and at the same time yung mga tutorials ko, parang nagbibigay ako sa kanila ng mga advice or mga diskarte para magimprove din sila sa mobile legends. Siguro comedy and tutorials ang pinaka key points ng stream ko or ng content creating ko talaga,” sabi ni Hypebit$.
Hindi rin nagmumura si Hypebit$ sa kaniyang mga streams dahil alam niyang maraming kabataan ang nanonood sa kaniya. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay mawawala na rin ang mga bashers.
“Kasi kahit anong wholesome na yung ginagawa mo or kahit wala ka namang nakikitang mali sa ginagawa mo di talaga siya maiiwasan. In addition to that siguro, yung pressure, di naman sa ayaw, yung pressure na mameet mo yung mga targets mo or mga insights mo, kasi every month may kailangan kaming target na magawa. So ayun siguro, other than that, puro positive na lahat,” sabi niya.
Mataas ang mga pangarap ni Hypebit$, at ito ang nagsisilbing inspirasyon niya sa pagpatuloy na magbigay saya sa kaniyang mga viewers at fans.
“I’d say yung dream house, [yung] future secured. Siguro yun yung nagiging motivation ko kaya nagtutuloy-tuloy ako and nagiging consistent ako magstream tsaka gumawa ng mga content.”