Ang EXP laner ng Alter Ego na si Rafly “Pai” Alvareza Sudrajat ay isa sa pinakamagaling na MLBB players sa Indonesia pagdating sa kanyang role. Pero inamin ng 23-year-old pro na wala siyang basic na kaalaman sa paglalaro ng MOBA games bago subukan ang Mobile Legends at maging isang pro player dito.

Kadalasan, ang mga MLBB pro players ay may basic MOBA knowledge mula sa ibang laro. Mahalaga ito para agad nilang maintindihan ang konsepto ng laro bago ma-develop nang husto at tuluyang maging professional player.

Subalit hindi pala ito ang palaging sitwasyon para sa MLBB pros tulad na lamang ni Pai. Inilahad niya sa isang panayam sa ONE Esports na hindi pa siya nakakapaglaro ng isang MOBA game bago niya matuklasan ang Mobile Legends.

Si Pai at Alter Ego
Credit: MPL ID

“Saya tidak memiliki basic MOBA. MLBB merupakan game MOBA pertama saya. Pertama kali mencoba game ini setelah diperkenalkan kakak kelas saat kuliah dulu. Sejak saat itu saya bermain MLBB terus. Hero pertama yang sama mainkan adalah Zilong,” kwento ni Pai.

(Wala akong basic na kaalaman sa MOBA noon. MLBB ang una kong MOBA game. Una ko ‘tong sinubukan noong pinaalam sakin ‘to ng mga seniors ko noong nasa kolehiyo pa ‘ko. Mula noon, tuloy-tuloy na ‘kong naglalaro ng MLBB. Ang unang hero na ginamit ko ay si Zilong.)

Nabanggit din niya na sila LeoMurphy, Celiboy, Alberttt, Kyy at Variety, na mga kapwa magagaling na manlalaro sa MPL Indonesia, ay wala rin umanong basic knowledge sa paglalaro ng MOBA.


Tinanggihan ni Pai ang offer noon ng RRQ Hoshi para sa Alter Ego

Credit: MPL ID

Kahit pa wala siyang basic na kaalaman sa MOBA, naging swabe pa rin naman ang paglalakbay ni Pai tungo sa pagiging isang MLBB pro. Puhunan niya ang pagiging seryoso sa pag-aaral ng laro at pagkilala sa mga tao na may parehong ambisyon.

Ibinunyag niya na nakatanggap siya noon ng isang offer mula sa RRQ Hoshi. Ngunit mas pinili niyang maging bahagi ng Alter Ego.

“Awalnya saya hanya mengikuti turnamen kecil antar-kampus atau antar-daerah, lalu saya bertemu Revici yang ternyata juga ingin serius di dunia esports. Kami pun membentuk tim, sebelum sampailah waktunya saya mendapatkan tawaran pertama dari tim profesional, Alter Ego,” sabi ni Pai.

(Dati, sumasali lang ako sa maliliit na inter-campus o inter-regional tournaments tapos na-meet ko si Revici na gusto rin maging seryoso sa esports. Bumuo kami ng team bago ko kunin ang unang offer mula sa isang pro team, ang Alter Ego.)

Credit: MPL ID

“Saat itu, saya juga menerima tawaran dari RRQ. Namun saya memilih Alter Ego karena gaya hidup para pemainnya sama dengan saya. Uniknya, saya juga sering bermain rank bersama anak-anak RRQ, tetapi entah mengapa hati lebih memilih Alter Ego.”

(Noong panahon ding ‘yon, naka-receive ako ng offer mula sa RRQ. Pero pinili ko ang Alter Ego kasi ‘yung lifestyle ng mga players ay pareho sa’kin. Madalas akong makipaglaro ng ranked games kasama ang RRQ players, pero mas nais pa rin talaga ng puso ko sa Alter Ego.)

Maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa MLBB news, guides at hihglights.


Ito’y pagsasalin ng katha ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports Indonesia.