Isa ang Gloo sa pinaka-flexible na tank heroes sa Mobile Legends: Bang Bang dahil sa kaniyang bukod-tanging skill sets, kaya naman hindi kataka-taka na popular ito sa high-rank gameplay kahit pa sa pro play.

Pinakatampok sa lahat ang kaniyang ultimate skill na Split Split na talaga namang nakakapambuwisit ng kahit sino. Dahil sa skill na ito, may  abilidad ang hero na dumikit sa kalaban para bigyan ng patuloy-tuloy na damage at ibaling ang kalabang hero sa direksyon na gusto ng user.

Ang bentahe ng Gloo sa meta na ito

Credit: Moonton

Dahil malaki ang epekto ng skills ng tank hero sa 1v1 at may scaling capability, madalas na nilalaro ang Gloo sa EXP lane.

May mga player na nagmamaniobra sa kaniya bilang roaming tank, at marami na ring nageksperimento na bigyan siya ng magic damage items para sa DPS output. Hindi maikakaila na napakalakas ng hero na ito lalo na kung mataas ang in-game awareness at maganda ang timing ng humahawak.

Bida ang hero sa meta ngayon at nasaksihan ng mga fans ito sa eksena sa pro. Sa katunayan, 20 ulit na nakuha ang Gloo sa nakaraang Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2021, at pang-anim sa most picked hero sa torneyo.

Flexible. Mahirap ka-1v1. May kargada sa late game. Swak ang hero na ito sa iba’t-ibang team compositions. Kaya naman magandang pagtuunan ng pansin ang tanong na ito: Anong mga heroes ang maaaring pangontra sa Gloo?


Alpha ang susi sa laning phase

Credit: Moonton

Karumal-dumal ang kahihinatnan ng kahit sinong tumapat sa Gloo sa laning phase, maliban na lamang kung hawak ang hero na Alpha. Desente ang early damage na dala ng Blade of Enmity kaya naman mataas ang tiyansang maging epektibong pangontra sa Gloo ang hero na ito.

Maganda ring sagot sa Split, Split ang Force Swing. Matatandaang sa paggamit ng tank hero ng kaniyang ultimate skill, naghihiwalay ang orihinal niyang katawan para maging malillit na bersyon ng kaniyang sarili.

Dahil ang maliliit na Gloo na ito ay itinuturing na isang unit, mabilis na mapuno ang health points ng Alpha dahil sa life steal per unit na epekto ng Force Swing.

Malaking hadlang ito para sa meta hero dahil bukod sa hindi nakakatulong ang special skill niya para sa kaniya, natutulungan niya ang kalabang Alpha makanakaw ng HP.


Alice ka diyan, Gloo

Credit: Moonton

Maasahan na sa pag-cast ng Swamp Spirit ng kaniyang ultimate, magpupulasan ang lahat ng kalaban. Kabaliktaran ito ng gagawin ng hero na Alice

Ang ultimate ng hero na Blood Ode ay nagbibigay sa kaniya ng abilidad magnakaw ng buhay mula sa kalaban sa isang area. Katulad ng pangontrang Force Swing ng Alpha sa Split,Split, mas malaking heal ang makukuha ng hero dahil sa per unit na basehan ng special skill ng Alice kaya naman napaka-epektibo nitong pangontra sa Gloo.

Magandang combo ang paggamit ng Bloode Ode at Winter Truncheon kung saan patuloy ang heal na makukuha ng Alice habang invulnerable. Sa ganitong paraan, hindi makakagawa ng agresibong play ang Gloo habang naka-ultimate at mapwepwersang umatras.


Claude ang pinakamalakas na pangontra sa Gloo

Credit: Moonton

Masasabi na ang pinakamahirap na matchup kontra kay Gloo ay ang Claude. Una, napakahirap hulihin ng hero na ito kahit pa subukan ng tank hero na gumamit ng Pass,Pass at Slam, Slam combo.

Bukod dito, mabilis ding mapupuno ang stack ng Art of Thievery ng Claude sa mga mini Gloos kapag naka-ultimate ang meta hero. Mababalikan na ang bawat stack ng Art of Thievery (hanggang 10 stacks) ay nagbibigay ng attack at movement speed sa Claude.

Mas marami, mas masakit. Iyan ang mabigat na epekto ng marksman sa tank hero kaya naman siya ang perpektong pangontra sa Gloo.

BASAHIN: Tatlong rason kung bakit prio pick ang Eudora ngayon