Maraming item adjustments at hero balancing ang inilatag ng Moonton sa kalalabas pa lamang na Mobile Legends: Bang Bang patch 1.5.96.

Sa ilang araw pa lamang matapos ang implementasyon ng patch, maraming players ang umaaray sa nerf na ginawa sa kanilang paboritong heroes, lalung-lalo na sa mga Paquito mains.

Hindi maikakaila na isa sa mga pinakadominanteng kalaban sa laning stage ang Heavenly Fist noon, kaya naman maraming naninibago sa pagmamaniobra sa hero matapos ang patch na ito.

Pero bukod sa halatang nerfs sa kaniyang mga abilities, bakit nga ba anghirap ng gamitin ng Paquito ngayon?


Nerfed din ang War Axe

Kasabay ng pagbabalanse ng Moonton sa mga heroes, binigyan din ng pagbabago ang ilang mga items tulad ng War Axe. At kung titignang maigi ang kumpletong patch notes, makikitang matindi ang ipinataw na nerf sa sikat na item na ito.

Credit: Moonton

Bago ang patch 1.5.96, tampok ang War Axe sa mga item builds para sa offlaners, side laners at kahit pa mga junglers.

Dala ito ng ibinibigay ng item na malawak na kombinasyon ng health points, cooldown reduction, physical attack at ang unique passive nito na Battle Stance kung saan may adisyunal na physical attack damage at penetration ang hero na kayang mag-stack ng 8 beses.

Kaya rin numero uno din itong item para sa Paquito side laners dahil sa lakas ng early game at snowball potential na maibibigay nito. Ngayong binawasan ang physical attack nito ng 10 points at ginawang 3 na lamang ang penetration sa unique passive, hindi na kasing kati ang kayang maibigay na damage ng Paquito kumpara dati.

Maaasahan pa ding priority item ito sa Heavenly Fist ngunit hindi na kasing agresibo ang tirada sa hero ngayon, kaya naman maraming players ang naninibago sa nausog niyang power spike.


Bago na ang skill combo ng Paquito

Puhunan ng pinakamagagaling na Paquito players ang positioning, timing at ang perpektong skill combination ng hero. Kritikal para sa Paquito users ang passive skill ng hero na Champ Stance na nagbibigay sa kaniya ng enhanced abilities at tiyansang mailabas ang pamatay na skill combo.

https://www.youtube.com/watch?v=A_qQY0BWZZ0

Ngayong malaki ang pinagbago ng stack mechanics sa passive ng hero, maraming users ang nahihirapan bumuo at gamayin ang bagong skill combo.

Tatlong stack nalang ang kailangan bago makuha ang enhanced abilities dulot ng Champ Stance, ngunit 1 stack nalang ang maibibigay ng kaniyang ultimate na Knockout Strike na dati ay 2 stacks.

Kasabay nito, hindi na rin nakakadagdag ng stacks ang basic attack, kaya naman hindi rin agad puputok ang passive. Sa madaling salita, kinakailangang mas maging mapagmatyag ang Paquito users sa stacks para maging epektibo sa mga gank o team fights.


Sa madaling salita, pinahina ang kaniyang early game

Early game ang tirada sa Paquito dahil sa kaniyang agresibong kit. Matapos ang patch 1.5.96, maaasahan na mauurong ng kaunti ang kaniyang power spike dahil sa adjustments.

Credit: Moonton

Kung dati ay mabagsik na agad ang hero sa levels 1 at 2, hindi na masyadong makakapambugbog sa lane ang figher hero dahil sa pinataas na cooldown at pinababang early damage ng second skill niyang Jab. Hindi na rin kasing sakit ang Paquito dahil katulad ng nabanggit kanina, hindi na makadadagdag sa stacks ang basic attack.

Makikita kaya natin muli ang ultra-aggressive Paquito sa MLBB, o may iba pang paraan para maibalik ang bagsik ng hero na ito sa early game? I-follow ang Facebook page ng ONE Esports Philippines para sa mga update tungkol kay Paquito at sa iba pang heroes ng MLBB.

BASAHIN: 3 heroes na pantapat kay Paquito