May regalo nanaman ang Moonton sa mga Pharsa mains.
Inanunsiyo ng Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) ang lalabas ng brand new flower-themed na Peony Bloom Pharsa skin, ang pinakahuling Starlight Skin para sa buwan ng Setyembre.
Itsura ng Peony Bloom Pharsa

Inanunsyo ang pinakabagong Starlight Skin ng Mobile Legends: Bang Bang sa kanilang official Youtube page na ipinakita ang swabeng itsura ng Wings of Vengeance. Tampok sa naturang video ang Pharsa na may oriental style dress na gawa sa fine, green silk.
Bagay din ang red belt at flower pendant sa overall look ng bagong skin, hango mula sa tradisyunal na kasuotan ng mga prinsesa noong unang panahon. Kasama nito, tampok din sa bagong skin ang violet na buhok na matatandaang kagaya ng mga skins sa zodiac skin line.
Binigyan naman ng katwiran ang pangalan ng skin na Peony Bloom dahil may malaking peony sa bandang likuran ng hero. Para naman sa kaniyang armas, nasa kamay niya ang magical staff na may peonies sa dulo nito.
Skill effects ng Peony Bloom Pharsa
Sa bagong skin, nagbabato na ng green at black energy ang Pharsa kapag nag-cast ng Curse of Crow at Energy Impact.
Tila ang pinakatampok sa mga pagbabagong ito ay ang bagong animation ng Feathered Air Strike. May lumalabas na pink peony blooms sa lugar kung saan siya nag-cast ng kaniyang ultimate.
Talaga namang napakaganda ng itsura kapag na-cast na lahat ng kaniyang air strikes dahil sa mga namumulaklak na peony blooms sa paligid ng Pharsa.
Lalabas ang Peony Bloom Pharsa sa September 1.
Ito ay pagsasalin sa article ni Jules Elona: Peony Bloom Pharsa lets you summon giant pink flowers during battle | ONE Esports