Nabawian ni Angelo “Pheww” Arcangel at ng kanyang koponan ang ECHO sa ikalimang linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 11 (MPL PH S11) upang magpatuloy ang BREN Esports sa kanilang undefeated streak.

Tinapos ng BREN ang series sa score na 2-1, ngunit kapansin-pansin na nangibabaw ang mga sundalo ng Hive sa ikatlong game na nagtapos sa score na 25-7, kung saan tinanghal na MVP si Pheww gamit ang kanyang Julian na may 9/3/9 na KDA.

Tips sa paggamit ng Julian mula kay Pheww

Credit: MPL Philippines

Sa isang eksklusibong pahayag, mabilis na hinimay ni Pheww ang playstyle ng Julian at kung paano niya ito epektibong ginagamit.

“Yung Julian kasi kahit fighter-mage yung role niya, parang assassin yung playstyle niya.”

Ipinaliwanag din ng Southeast Asian Games gold medalist kung gaano kalakas ang mage hero, dahilan kung bakit ito ang napili niyang gamitin sa huling game ng series laban sa ECHO.

“Malakas kasi yung burst niya, kahit tank kaya niyang i-burst,” sabi ng Idol ng mga Kids.

Dagdag pa ng BREN Esports mid laner, importante para kay Julian na manatiling nakatago upang mas madaling makapwesto at masorpresa ang mga kalaban.

“Dapat lagi kang nasa bush. Paunahin mo yung kampi mo bago ka pumasok.”

Credit: Moonton

Julian build ni Pheww

  • Arcane Boots
  • Genius Wand
  • Feather of Heaven
  • Shadow Twinblade
  • Divine Glaive
  • Winter Truncheon

Kasalukuyang nangunguna sa standings ang BREN Esports sa pagtatapos ng Week 5 ng MPL PH Season 11. Susunod nilang makakaharap ang NXP EVOS sa Friday, March 24.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.