Sinusubukang baguhin ng Mobile Legends patch 1.5.96 ang tadhana ng Shadow of Dread.

Noong unang lumabas ang Phoveus sa Mobile Legends: Bang Bang, inasahan siya bilang hard counter sa mga mobile heroes tulad nina BenedettaWanwan, and Ling. 

Gayunpaman, hindi nakakita masyado ng play time ang hero at naging situational pick lamang sa mga ranked gayundin sa pro gameplay. Ayon sa pinakahuling Mobile Legends: Bang Bang stats, ang pick rate ng hero ay nasa 0.42%, pang-71 most-used hero sa laro.


Dalawang skill buffs ang nakuha ng Phoveus sa Mobile Legends patch 1.5.96

Credit: Moonton

Binigyang pansin ng Moonton ang malimit na pagpili sa hero na ito kaya naman kasabay ng paglatag ng Mobile Legends patch 1.5.96, sinubukan nilang bigyang buhay ang fighter hero.

Skill 1 – Malefic Terror

  • Binawasan ang coodown mula 3.5s na ngayon ay 2.5s na lang

Ultimate – Demonic Force

  • Pinataas ang base damage galing 440-680 papuntang 660-980
  • Pinalakas ang Magic power bonus mula 150% papuntang 180%

Paano makakaapekto ang mga pagbabago sa Phoveus?

Bagamat hindi masyadong malaki ang mga pagbabagong ibinigay sa hero, makakatulong ito sa abilidad ng Shadow of Dread na makasabay sa fast-paced meta. Una, pinababa ang cooldown ng Malefic Terror na magbibigay sa kaniya ng mas dominanteng presensiya sa laning phase.

Pinakatampok sa adjustments na ginawa ang pagpapalakas sa kaniyang ultimate na Demonic Force. Ito ang dahilan kung bakit itinuturing siya bilang malakas na pangontra sa mga dash heroes.

Ang pagtaas ng base damage at magic power bonus ng Demonic Force ay nangangahulugan ding mas mamatyagan ang Phoveus users sa team fights. Dahil maaaring ma-spam ang ability na ito, siguradong mas mangagaray ang mga mobile heroes ng kabilang team at magpapangamba sa iba pang heroes sa backline. 

Maganda ang ginawang pagtalakay ng Mobile Legends content creator na si Master the Basics kung ano ang potensyal ng hero sa gameplay ngayon.

BASAHIN: Balmond Build Guide: Balagbagin ang kalaban gamit ang item choices na ito