Hindi na kaila sa madla ang biglang pagdami ng mga teams na gumagamit ng physical damage heroes sa meta.

Bago magsimula ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 8 (MPL PH S8), nauna ng kinatampukan ng physical damage midlaners ang composition ng mga teams sa MPL ID Season 8.


Sinu-sinong mga MPL ID teams ang gumamit na ng physical damage midlaners?

Trabaho ng midlaners sa MLBB na tulungan ang kanilang mga sidelaners para makakuha ng early advantage sa kani-kanilang mga katapat. Pinatunayan sa MPL ID na hindi lamang mage ang makagagawa nito.

Tampok sa debut ni Renbo ng Bigetron Alpha ang physical damage midlane strat na ito kung saan sinelyo niya ang Beatrix pick kontra Rebellion Genflix sa Week 1. Tinulungan ng marksman midlane hero ang Bigetron na kuhanin ang game one, at kalaunan ay ang serye.

https://youtu.be/pmVeUWaMWp8

Gayundin, nagmaniobra din ng physical damage heroes sa midlane ang RRQ laban sa Geek Fam. Bida ang Saber ni RRQ Clayyy sa game one, habang Popol and Kupa naman ang isinalang niya sa game two para sa malinis na 2-0 sweep.


ONIC Drian, nagsalita tungkol sa Physical damage midlaner strat

Credit: MPL ID

Nakapanayam ng ONE Esports si Adriand Larsen “Drian” Wong ng ONIC Esports sa pinakamagagaling na midlaners sa Indonesia tungkol sa nauusong strategy sa midlane.

Aniya, hindi na raw siya nagulat sa pagpasok ng physical damage midlaners sa meta.

“Since last season, I’ve been using Beatrix and Lapu-lapu in the mid lane, and it’s really good. Maybe they just realized that a (physical) hero like this is good in the midlane,” sabi ng pro.

Kaalinsabay nito, nagbigay din siya ng kaniyang opinion tungkol sa paggamit niya ng Chou na may tank emblem kontra Aura Fire sa week 2, at Saber sa iba pa niyang mga laro.

“I think Chou can face every hero. But what makes him successful depends on your team and how effective you are in communicating with everyone,” dagdag ng ONIC Esports star.


Paano nagtatagumpay ang mga teams na gumagamit ng physical damage midlaners sa MPL

Credit: Moonton

Susi ang pagiging balanse ng lineup kung gagamit ng physical damage midlaners sa mga games. Mapapansin na madalas pumipili ng mage sidelaners ang mga kupunan na mayroong physical damage hero sa mid. 

Sa ganitong paraan, hindi magiging physical damage dealers lahat ang composition ng team na madaling makontra ng physical damage items.

Malaking aspeto rin ang pagipili ng specific hero ng team. Madalas na kumukuha ng mga high damage output na heroes ang MLBB teams ngayon at kahit na isang gap closer na hero para makatulong sa mga sidelanes.

Ang mga damage dealers na ito ay madalas na mas mabilis mag-clear ng wave kontra sa mga traditional na mages, kaya naman mas madali ring mag-push kung sa ibang lanes nakatuon ang kalabang team. 

Ibinase sa isinulat ni Jules Elona ng ONE Esports.

BASAHIN: Pinalakas na Kimmy: Maaari ng maglock-in sa targets ang hero sa MLBB patch 1.6.10