Sa kabila ng ‘di mabilang na nerfs, hindi napigilan si Benmedict “Bennyqt” Gonzales at ang AURA Philippines na i-secure kinakailangan nilang series win laban sa mga M2 world champions na Bren Esports sa ikaapat na linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League PH Season 7.

Ang Bren Esports, na nagkaroon ng magandang panimula sa linggong ito matapos talunin ang Blacklist International, ang pinapaborang manalo laban sa AURA Philippines.

Subalit may nakahandang sorpresa ang AURA Philippines para sa Bren. Gumamit sila ng three-assassin lineup nila Benedetta, Lancelot, at Natalia sa game one, na nagresulta sa blowout na 23-12.

Nilagay din nila si Wanwan sa side lane, na malaking tulong sa kanilang panalo sa game three.

Credit: Moonton

Nakakatakot na marksman si Wanwan sa pro play hanggang sa sya ay ma-nerf sa patch 1.5.62, na sobrang nagpahina ng kanyang Tiger Pace.

Pitong beses lang sya napi-pick sa MPL PH. Apat sa pitong beses ang nagresulta sa panalo. Pero hindi nito napigilan si Bennyqt na gamitin ang Agile Tiger.

Sa post-match interview, ibinahagi ni AURA PH coach Michael “Arcadia” Bocado ang mindset ng team papasok sa deciding match, “We talked about our mistakes in game two, and we did the necessary adjustments to recover in game three.”

Matapos manalo ng Bren Esports sa game two sa score na 9-3, ginawa nilang mas interesante ang laban nang i-draft nila ang Alpha-Angela duo. Sinagot ito ng AURA PH ng last pick Wanwan para ma-outmaneuver sila.

Tabla ang laban hanggang sa mapatay ng AURA Philippines ang apat sa Bren Esports sa 12-minute mark, kung saan naiwang mag-isa si Selena para dumepensa sa top lane.

Mabilis na kinuyog ng limang myembro ng AURA PH ang top lane para tapusin ang series.

Nagtapos si Bennyqt na may perfect KDA na 2/0/11, at tinanghal na MVP ng laban.

Ang AURA PH (6-2) ay kasalukuyang tied sa unang pwesto sa Group A kasama ng Work Auster Force (5-4) na merong 16 points. Nanatili naman sa ikaapat na pwesto ang Bren Esports (5-5) na may 15 points.