Matapos mag-place nang pangatlo sa kakatapos lang na Mobile Legends: Bang Bang Professional League ID Season 7, plano ng RRQ Hoshi na i-revamp ang kanilang roster at magsimula muli para sa susunod na season.
Sabi ng RRQ CEO na si Andrian Pauline na tinanggal niya ang lahat sa official lineup, kasama na ang mga beterano, at magsimula muli sa pamamagitan ng open trials.
“Everyone has the chance to become part of the new squad now including old RRQ Hoshi members, players from RRQ Sena, or anyone who shows a good performance in the open trials,” sabi ni Pauline.
Bakit bubuo ulit ng MLBB team ang RRQ Hoshi?
Ang team na ito ay dating pinakamalakas na team sa rehiyon. Kilala bilang Kings of Kings, nakasungkit ng two-peat championship ang RRQ Hoshi sa season 5 at 6.

Ngunit nagkaroon sila ng internal issues sa pagpasok nila sa pampitong season. Isang halimbawa ay ang pag-sit out nina Yesaya “Xinnn” Wowiling at Muhammad “Lemon” Ikhsan sa buong season dahil sa mga personal na rason.
Ang kanilang kawalan ay naramdaman ng team matapos sila magkaroon ng isang lackluster na unang kalahati ng season. Sa kabutihang-palad, nag-bounce back sila sa pangalawang kalahati at nakakuha ng playoff spot.
Ngunit naubos ang kanilang swerte sa playoffs matapos gawin ng Genflix Aerowolf ang imposible at ineliminate sila sa unang match ng playoffs.
Players mula sa Genflix Aerowolf at RRQ Sena ay nagpakita ng interes
Habang hindi pa tapos ang open trials, nagkakaroon ng mga haka-haka na tatlong myembro ng RRQ Sena, sina Rizky “Warlord” Agustian, Edi “Yummy” susanto, at Zulkifli “Bless” Saifunnuha ay mga frontliners.
Mayroon ding screenshots na nagpapakita na sina Deden “Clay” Mohamed, Azmi Naufal “Rinzami” Ahmad, at Adrian “MARZ” Damari mula sa Genflix Aerowolf ay sumali sa trials.

Kung ano man ang magiging resulta, asahan na magkakaroon ng baong RRQ HOshi sa MPL ID Season 8.