Inilabas ng Mobile Legends: Bang Bang ang inaabangang teaser ng Project NEXT 2021, kung saan may mare-revamp na tatlong heroes: Karina, Alpha, at Minotaur.

Ano ang Project NEXT 2021?

Ang project ay bahagi ng isang series ng mga pagbabago na layunin ay i-update ang mga lumang heroes na natabunan na sa kasalukuyang meta.

Maraming mga heroes na ang na-update mula noong 2020, tulad nila Layla, Saber, Alucard, Zilong, at Miya.

Mas exciting na gamitin ang mga heroes na ‘to, dahil sa kanilang mga revamp ay mas bumagay sila sa Land of Dawn.

Ano nga ba ang mga magaganap na pagbabago?


Karina

MLBB revamped Karina
Screenshot by Julian Elona/ONE Esports

Si Karina ang nanalo sa Reforge Your Legends, isang event kung saan namili ang mga players kung sinong hero ang dapat ma-revamp.

Karamihan ng kanyang skills ay magkakaroon ng visual upgrade, kasama na rin ang mga bagong mechanics. Ang kanyang passive na Shadow Combo ay makakabawas ng cooldown ng kanyang non-ultimate abilities at magbibigay ng true damage tuwing ikatlong attack.

Ang kanyang first skill na Dance of Blades ay nag-iiwan ng shadow sa likod ng target. Maaring mag-teleport si Karina papunta sa shadow habang active ang skill, na makakatulong sa kanyang role bilang isang assassin na mahirap mahuli.


Alpha

MLBB Alpha
Credit: Moonton

Bagamat hindi sya makakakuha ng visual upgrade, ang ultimate ni Alpha ay makakatanggap ng malakas na buff. Hindi lang nya basta-basta hihilahin ang kanyang sarili papunta sa kalaban, aangat din sa ere ang mga kalaban na masasagasaan nya habang papunta sa kanyang destinasyon.

Malaking bagay ito para sa mga Alpha mains, dahil mas magiging mabisa sya sa pag-initiate ng team fights kumpara noon na isang kalaban lang ang kaya nyang i-stun.


Minotaur

MLBB revamped Minotaur
Screenshot by Julian Elona/ONE Esports

Mas magmumukhang mabangis at nakakatakot si Minotaur pagkatapos ng Project NEXT 2021 update.

Makikita na ng mga players kung si Minotaur ay nasa kanyang rage state o hindi. Babaguhin din ang mga animations para mas magmukhang malakas at matibay si Minotaur.

Panoorin dito ang buong teaser video.