Kung sa tingin mo ay hirap ang main hero mo sa Mobile Legends: Bang Bang sa meta ngayon at nangangailangan ng buffs, baka ito na ang sagot sa mga kahilingan mo.
Nagbabalik ang Reforge Your Legend para sa ikalawang bersyon nito. Binibigyang pagkakataon nito na i-highlight ang mga nakalimutan nang hero sa Land of Dawn sa tiyansang makabalik sa meta gameplay.
Ano ba ang Reforge Your Legend event?

Binibigyang pagkakataon ng Reforge Your Legend ang mga manlalaro na iboto kung sinong hero ang gusto nilang mabigyan ng revamp. Noong nakaraang taon, si Karina ang nagtala ng pinakamaraming boto habang pumangalawa naman si Sun.
Nabigyan ng buffs ang dalawang hero na ito kamakailan. Mula sa pagiging heroes na malimit na magamit sa laro, ngayon ay isa na sila sa pinakamalakas na heroes na swak sa meta ngayon.
Heto ang tatlong heroes na sa tingin naming ay karapat-dapat na manalo sa Reforge Your Hero Legend event ngayong taon:
Faramis

May ilang pagkakataon lamang maaaring gamitin ang Faramis sa meta ngayon. Kahit pa may ilang beses na sorpresang lumabas ang hero na ito sa pro gameplay katulad na lamang sa balagbagan ng Execration at Smart Omega sa nakaraang MPL PH S7 playoffs, napakalimit lamang na nagagamit ang Alchemist ranked at classic games.
Kahit sa tingin mo ay underpowered siya o di kaya naman ay hindi masyadong angkop sa team composition, hindi maikakailang isa ang Faramis sa mga heroes na karapat-dapat na mabigyan ng boto sa Reforge Your Legend event.
Gord

Isa pang hero si Gord na hindi madalas makita sa mga games ngayon. Kahit pa hindi kasing sikat kung ikukumpara sa Faramis, bibihirang makita ang hero na ito sa high ranked games lalo na sa pro gameplay.
Makati ang damage na kayang ibigay ng hero na ito sa kaniyang skills, ngunit isang malaking isyu sa kanyang kit ang maaasahang crowd control ability. Kaalinsabay nito, wala ring escape ability ang Gord kaya naman hindi siya kasing patok katulad ng bagong mage heroes ngayon.
Kahit pa mayroong kaunting crowd control ang Mystic Projectile, napakaliit ng area of effect nito at mahirap patamain lalo na kontra sa mobile heroes.
Carmilla

Mataas ang potensyal ng hero na Carmilla ngunit isa siya sa pinakamadalang na magamit na hero sa Land of Dawn. Ayon sa MLBB stats, pumapangalawa si Carmilla sa Faramis sa listahan ng mga least picked heroes.
Matapos ang sunod-sunod na nerfts ng hero sa patch 1.5.38 kung saan nangalahati ang cast range ng kaniyang main initiation skill na Bloodbath, sumabay dito ang popularidad ng hero sa ranked play.
Siguraduhing iboto ang mga hero na sa tingin niyo ay kailangan na ng revamp sa susunod sa pagbubukas ng Reforge Your Legend event.