Napakaraming exciting moments sa kakatapos lang na Mobile Legends: Bang Bang Professional League ID Season 7, at isa sa mga moments na iyon ay ang pagsungkit muli ng korona ng EVOS Legends.

Ngunit alam mo ba na mula kay Gustian “REKT” Hidayat ng EVOS Legends, isang team sa Pilipinas ang naging isang malaking factor kung bakit naging ganoon ang meta sa MPL ID?

Ang team na iyon ay ang Blacklist International. 

Saloobin ni REKT kung paano nakatulong ang Blacklist International sa EVOS Legends

Sa isang interview sa EMPETALK ni Jonathan Liandi, sinabi ni REKT na humugot ng inspirasyon ang EVOS Legends sa two-support strategy ng Blacklist International.

“I say it right now, all Indonesian teams learned the two-support meta from Blacklist International,” ani niya.

Ano ang two-support meta? 

Ang two-support meta, o ang ‘nice one, baby meta’ ay tumutukoy sa isang playstyle kung saan ginagamit ang utility supports para tulungan ang core sa lahat ng oras sa halip ng usual mage at tank lineup.

Nagbibigay diin ito sa survivability at ang pagbuhay ng jungler sa kahit ano mang mangyari di tulad ng usual team composition kung saan ang mages ang ginagamit para magdulot ng damage o mag-set up ng plays.

Credit: Moonton

Bagamat hindi lang ang Blacklist International ang gumagamit ng nice one, baby meta a Pilipinas, sila, partikular na si OhMyV33nus at Wise, ang nagpakana ng unique at malakas na stratehiya na ito.

Sa Indonesia, nagsimula gamitin ang meta na ito noong tinalo ng Bigetron Alpha ang Genflix Aerowolf sa panglimang linggo ng regular season.

Sumikat na nang tuluyan ang nice one, baby meta sa rehiyon at nakatulong sa REKT at sa iba pang EVOS Legends squad sa kanilang grand final victory laban sa Bigetron Alpha.

Panoorin ang Blacklist International sa kanilang laban sa MSC 2021 playoffs ngayong June 11 hanggang 13.