Kung may personalidad sa Mobile Legends: Bang Bang na may karapatang bumoses tungkol sa mga usapin sa laro at sa liga, walang mas dapat pakinggan kundi sina Carlito “Ribo” Ribo Jr. at Jaime “Pakbet” Abalos.

Tinagurian si Ribo bilang “GOAT” ng MLBB eksena sa Pilipinas gawa ng makulay niyang karera tampok ang mga samu’t-saring kampyonato sa international at local eksena, habang kinikilala naman bilang isa sa mga pinakamagagaling na coach sa rehiyon si Jaime “Pakba1ts” Abalos na siyang utak ng Execration na nag-uwi ng MSC 2021 championship.

Credit: Ribo

Kamakailan, napanood ang tambalan sa isang livestream kasama ang MPL Analyst na si Wolf kung saan nagbahagi sila ng mga komento tungkol sa kani-kanilang mga karera, kasama na rin ang tugon kung sino ang isasama nila sa roster kung bubuo sila ng championship team ngayong season.


Inilahad ni Ribo at Pakbet ang kani-kanilang S8 fantasy roster

Screenshot ni Calvin Trilles / ONE Esports PH

Bukod sa paglalahad ng kani-kanilang mga istorya at karanasan sa pagiging Esports professionals, binigyan din nila ng diretsong kasagutan ang tanong kung sino ang sa tingin nila ay ang pinakamalalakas na pro player sa bawat posisyon ngayong season.

Pro players sa Season 8 Fantas Roster ni Ribo

PositionPlayerTeam
JunglerKarltzyBREN Esports
GOLD LanerBennyqtECHO
EXP LanerEdwardBlacklist International
MidlanerOhMyV33NUSBlacklist International
TankHeathRSG Philippines

Pro players sa Season 8 Fantasy Roster ni Pakba1ts

PositionPlayerTeam
JunglerKarltzyBREN Esports
GOLD LanerKelraSmart Omega
EXP LanerRenzioSmart Omega
MidlanerOhMyV33NUSBlacklist International
TankCh4knuSmart Omega

Bida sina OhMyV33NUS at Karltzy sa listahan ng dalawang beterano

Credit: BREN Esports

Sa binuong listahan ng tambalan, mapapansin na pareho nilang itinala ang mga pangalan nina Karl “Karltzy” Nepomuceno na jungler ng BREN Esports at Johnmar “OhMyV33NUS” Villaluna na midlane support naman ng Blacklist International.

Matatandaang hinirang na Most Valauble Player ng nakaraang M2 World Championships si Karltzy na bumida sa kaniyang Lancelot gameplays na pumunit sa mga kalahok sa pinakamalking torneyo sa mundo ng MLBB.

Sa kabilang banda naman, patuloy na nag-iiwan ng marka sa MLBB eksena si OhMyV33NUS na siyang sentro ng pinakamalakas na team ngayong Season 8 na Blacklist International.

Credit: Blacklist International

Mataas ang tingin ni Ribo sa Blacklist superstar, na binigyang diin kung gaano kaimportante ang pro sa kaniyang kupunan. “Anggaling rin kasi ng Blacklist sa shotcall nila. Yung command din ni V33nus ang nagdadala sa kanila.”

Sinamahan pa nga ng biro ng “The GOAT” ang komento niya tungkol sa kilalang support. “Siguro sobrang sungit ni V33nus no? Yung parang sa in-game yung walang tropa-tropa.”