Oras na lamang ang bibilangin at gugulong na ang pinakamalaking update sa Mobile Legends: Bang Bang ngayong taon.

Ang Rise of the Necrokeep update ay isa sa pinapalagay na magbabago sa hitsura at galawan sa Land of Dawn sa malaking revamp na ibibigay sa tatlo sa leaset-used heroes sa laro na sina Vexana, Faramis at Leomord.

Bukod dito, may mga events, rewards at may bago pa ngang Necrokeep-inspired user interface sa mga pagkakataong sasalang ang player sa ranked games.

Heto ang lahat ng dapat malaman tungkol sa paparating na Rise of the Necrokeep update kasama na ang hero adjustments at gameplay changes.


Kailan gugulong ang Rise of the Necrokeep update

Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Parte ang Rise of the Necrokeep update sa Project NEXT na inisyatibo ng Moonton noong 2020 na bigyan ng improvements ang mga luma at hindi nagagamit na heroes sa Land of Dawn.

Opisyal na papasok ang update sa official server ngayong June 28, kasabay ng ika-25 season ng laro. Mabilis na mapapansin ng players ang mga pagbabago sa naturang update, kung saan ang ranked screen ay mag-tratransform sa isang gloomy, Necrokeep-inspred interface tampok ang kastilyo ni Vexana.

Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Mayroon ding new season rewards bagamat hindi pa opisyal ang mga ito. Base sa teaser video na inilibas sa YouTube, maaaring makasama sa mga mapapanalunan ang star protection tickets at isang pass na mukhang magbibigay ng extra star sa players kung makakakuha ng MVP sa bawat match.

Total revamp ang ihahandog ng game developers kay Vexana tampok ang bagong skills at character model, habang mananatili ang ilang aspeto ng necromancy skills ni Faramis. Gayunpaman, malaking kaibahan ang hitsura ni Faramis mula zombie-looking sorcerer papunta sa mas nakaayos na human form na malaki ang pagkakahawig kay Estes.

Pinaka-kaunti ang makukuhang pagbabago ni Leomord dahil ginawa lamang moderno ang dating ng kaniyang skill animations at character model.

Hero changes at item adjustments

Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Dahil major update ang Rise of the Necrokeep, may ilang heroes din na bibigyan ng balance adjustments. May buffs kina Gord at Terizla sa patch na ito, habang sina Lunox at Xavier naman ay bibigyan ng adjustment.

Para bigyang daan ang Vexana at Faramis, ang magic defense items tulad ng Athena’s Shield at Radiant Armor ay papatawan ng nerfs. Samantala, ang magic offense items tulad ng Blood Wings at Glowing Wand ay makakatanggap ng mas magandang stats.

Mas marami na ding minions ang midlane hindi katulad ng dati. Nangangahulugan din ito na mas mabilis makukuha ng midlane heroes (tipikal na mages) ang level four at makakatulong ng mas mabilis sa sidlanes o sa junglers sa maagang bahagi ng laro.

Kasunod nito, mas kaunti na din ang makukuhang EXP at gold ng junglers sa creeps kaya mukhang mas mahihirapan magnakaw ang mga ito ng minion waves.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: Eksklusibo: Smart Omega Kelra kumbinsidong ito ang pinakamalakas na marksman hero sa MSC 2022