Aminado si RRQ Hoshi midlaner Deden “Clayyy” Muhammad Nurhasan na nakaramdam siya ng panghihinayang para sa kanyang kakampi na si Muhammad “Lemon” Ikhsan matapos silang makatakim ng 1-2 reverse sweep defeat kontra EVOS Legends sa unang El “Clasico” ng MPL Indonesia Season 9.

Minarka kasi ng seryeng ito ang pagbabalik sa MPL ID stage ng Indonesian MLBB icon na si Lemon, na matagal nang gustong makasama ni RRQ Clayyy sa isang laban.

Credit: MPL Indonesia

“Sebenarnya saya ingin sekali bisa bermain lagi bersama Lemon karena dari dahulu saya sudah mengidolakan dia dari semenjak dia masih main Mage. Ingin sih bisa merasakan bermain bareng dia lagi (Gusto kong makalaro si Lemon dahil iniidolo ko na siya mula pa noong naglalaro siya bilang mage main),” sabi niya sa isang nakaraang panayam kasama ang ONE Esports.

Ngayong nasa RRQ Hoshi na rin si Clayyy at bumalik na si Lemon matapos magpahinga noong nakaraang season, bukas na bukas na ang tsansa na matupad ang kanyang hiling.


May panghihinayang si RRQ Clayyy dahil natalo sila sa season debut ni Lemon

Credit: MPL Indonesia

Dumating na sa wakas ang oportunidad na makalaro ni RRQ Clayyy ang idol niya sa MPL ID na si Lemon mula nang makapasok siya sa koponan ng “King of kings” noong Season 8.

Bagamat natuwa siya na nakasama niya si Lemon na parte na ng RRQ Hoshi mula pa noong Season 1, hindi naiwasan ni Clayyy na manghinayang dahil natalo sila laban sa kanilang karibal na EVOS Legends.

“Pas kemarin kalah itu sebenarnya saya merasa sangat bersalah, karena pertama kalinya saya bermain bersama Lemon, tetapi belum bisa merasakan kemenangan (Pagkatapos ng talo namin kahapon, na-guilt talaga ako dahil ‘yun ang first time na nakalaro ko si Lemon kaso hindi kami nanalo),” wika ng dating Genflix Aerowolf standout.

Hindi naman kasalanan ni RRQ Clayyy ang kanilang mapait na pagkatalo pero natural lang para sa isang manlalaro na maramdaman ang pagsisisi lalo na’t nakasama niya na sa wakas ang iniidolo niyang player.

Siyempre, nais nating makita na magkasama ulit sa entablado sina Clayyy at Lemon. Magiging maganda rin ito para sa RRQ Hoshi dahil magkakaroon si Clayyy ng mas mainit na motivation para manalo.


Base ito sa artikulo ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports Indonesia.