Ang RRQ Hoshi ang unang team na nakapag-qualify para sa MPL ID S9 grand final na sumigurado sa kanilang MSC 2022 slot. Naging swabe ang kanilang karera at hindi sila nakaranas ng maraming malakid sa kabuuan ng season.

Matapos ang dalawa lamang na regular season losses dahil sa kanilang mga sinubukang roster, nagawa ng RRQ Hoshi na ipanalo ang dalawang mahihirap na matches sa playoff. Dalawa sa kanilang mga karibal ay nakatanggap ng matinding suporta, ang EVOS Legends at ONIC Esports.

RRQ Hoshi vs ONIC Esports MPL ID S9
Credit: Moonton

Sa pagpasok sa grand final, maaaring mas kalmado ang RRQ Hoshi dahil sa hapon lamang sila maglalaro. Habang ang magiging kalaban nila ay kinakailangan pang lumaban sa lower bracket final sa parehong araw. Dito maaaring makaapekto ang fatigue factor.

Ano pa man ang mangyari, hindi na gugustuhin ng RRQ Hoshi na maulit ang kanilang kapalaran. Dahil ang kanilang pinagdaanan sa playoffs sa season na ito ay kapareho ng sa nakaraang season, kung saan natalo sila 4-3 laban sa ONIC Esports.

Alam ng RRQ Hoshi na malakas ang ONIC Esports at Aura Fire

Sabi ni Clay, alam na alam ng RRQ Hoshi ang lakas ng mga maaari nitong makalaban. Bukoid pa rito, ang ONIC Esports at Aura Fire ang dalawang teams na nagtapos sa second at third sa regular season.

Tinalakay ni Clay sa ONE Esports ang kanilang dalawang potensyal na makakalaban.

“ONIC’s opponent will be dizzy during the draft. Their hero pool is wide and can be flexibly placed anywhere,” sabi niya sa isang media interview.

“While Aura makes it complicated because of the broad options of Kabuki and High,” dagdag ni Clay.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.