Matapos ilabas ng RRQ Hoshi ang kumpleto nilang roster para sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 8 (MPL ID S8), inihayag ng kupunan na hindi muna sasabak para sa kanila ang beteranong si M. “Lemon” Ikhsan.

Anunsyo ng RRQ Hoshi tungkol sa MPL ID S8

Nauna nang ibinahagi ng CEO ng RRQ na si Andrian Pauline na siyam na pro players ang babandera para sa kanilang kupunan para sa paparating na Season 8, kung saan maraming naglista na kay Lemon bilang ang ika-siyam.

Gayunpaman, sa isang anunsyo ng RRQ Hoshi sa kanilang Youtube channel, inilahad ni RRQ Lemon na hindi muna siya paparada para sa brand ngayong season.

“You guys go on without me. I want to take a break,” ani ni RRQ lemon sa nasabing bidyo.


Si RRQ Lemon sa MPL ID

Credit: RRQ at MPL

Isa sa mga pinakamatunog na pangalan sa MPL ID eksena si RRQ Lemon dala ng mahaba at malawak niyang karanasan sa liga. Isa sa mga pinakaunang sumabak para sa RRQ Hoshi ang multi-role player na kasama nila simula noong unang MPL ID.

Malaki din ang ambag ni RRQ Lemon sa biyahe nila sa kampyonato noong MPL ID Season 2, Season 5 at Season 6.

Noong nakaraang Season 7, isang beses lamang naglaro si Lemon sa playoffs. Maaga ring napurnada ang tahakin nilang iselyo ang ikatlo nilang sunod na championship ng pataubin sila ng Genflix Aerowolf.


RRQ Hoshi MPL ID S8 official lineup

  • Albert Neilsen “Alberttt” Iskandar
  • Deden “Clay” Mohammed
  • Firm Priest “Psycho” Firdaus
  • Rivaldi “R7” Fatah
  • William “Liam” Setiawan
  • Schevenko David “Skylar” Tendean
  • Armando “Xinnn” Wowiling
  • Calvin “Vynnn”