Natagpuan na ng powerhouse team RRQ Hoshi ang huling miyembrong bubuo sa kanilang starting five para sa paparating na Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 8 (MPL ID S8).

Si William “Liam” Setiawan, isa sa mga orihinal na miyembro ng dating RRQ Hoshi noong season 2 ay sasanib muli sa team para dalhing muli ang pangalang RRQ Liam para sa MPL ID Season 8.


Ang pagbabalik ni RRQ Liam sa starting five

Inanunsyo ng RRQ Hoshi ang balita sa pamamagitan ng kanilang YouTube channel, kung saan ipinakita dito ang pagpunta ng beteranong pro sa kanilang bootcamp.

Sa pagdating ni RRQ Liam, sinalubong siya ng isang sulat kung saan binati siya ng maligayang pagbabalik ng kupunan. “We believe you still have the fire in you,” ani ng team sa welcome letter.

Susi ang pro sa tagumpay na narating ng RRQ Hoshi hanggang Season 6 kung saan nagdesisyon din siyang umalis muna sa pro eksena dahil sa iniindang sakit.

Kahit pa nagdaan sa maraming pagbabago sa lineup at mabangko ng ilang ulit, nanatili ang pro na miyembro ng King of Kings squad.


Kumpleto na ang starting five ng RRQ

Credit: MPL ID

Sa kabila ng maraming pagsubok na dinaanan ng kupunan tulad ng maagang pag-uwi mula sa MPL ID S7 playoffs at ang desisyon ng RRQ CEO Andrian Pauline na bitawan ang kanilang line up, ang pagadating ni RRQ Liam ay simbolo ng pag-asa sa maraming RRQ fans.

Una ng inanunsyo ang pagsanib ng MPL ID Season 7 MVP Albert Neilsen “Alberttt” Iskandar at dating Genflix Aerowolf player na si Deden “Clay” Mohammed sa kupunan.

Sa kabilang banda naman, sina Firm Priest “Psycho” Firdaus at Rivaldi “R7” Fatah ang sumunod na nakakuha ng spot sa lineup ng bantog na kupunan.

Base sa mga youtube videos na inilabas ng team, hindi pa kumpirmado kung sino ang sasabak na 6th man para sa RRQ.

Mobile Legends: Bang Bang MPL ID S8 RRQ Hoshi official lineup

  • Albert Neilsen “Alberttt” Iskandar
  • Deden “Clay” Mohammed
  • Firm Priest “Psycho” Firdaus
  • Rivaldi “R7” Fatah
  • William “Liam” Setiawan