Hindi pa rin nakakamit ng RRQ Sena ang peak ng laro nito sa Mobile Legends Development League (MDL) Indonesia. At ngayong Season 5, maagang namalaam ang MDL squad ng tanyag na organisasyon ng RRQ.

Natanggal agad ang RRQ Sena sa first round pa lang ng MDL ID Season 5 playoffs matapos makalasap ng mapait na 1-2 pagkatalo sa kamay ng Rebellion Sinai noong Biyernes, ika-15 ng Abril.


Ang kampanya ng RRQ Sena sa MDL ID Season 5

Nagpakita ang RRQ Sena ng tapang sa pagbuo ng roster nito para sa MDL ID Season 5. Kumuha sila ng mga umuusbong na talentadong manlalaro ngunit mga halahatang kulang pa sa karanasan. Madalas na niro-rotate ang seven players nila sa lineup.

Dahil dito, nagkaroon ng inconsistencies ang koponan sa regular season. Maganda ang naging panimula nila at naging No. 1 pa nga sa Week 1 ng liga hawak ang kanilang malinis na 2-0 kartada. Ngunit nang lumaon ay lumabas na ang pagiging bagito ng mga manlalaro at sa huli ay nagtapos sila sa No. 7 ng 14-team standings na may 7-6 record.

Napilitan ang RRQ Sena na maglaro nang live sa unang araw ng MDL ID Season 5 playoffs at hinarap nila ang Rebellion Sinai, na bagamat napadpad sa No. 10 ay umani pa rin ng mas maraming atensyon mula sa miron.


Nagpakita ang Rebellion Sinai ng consistency at winning mentality kontra RRQ Sena

Credit: MDL Indonesia

Sobrang nahirapan ang RRQ Sena laban sa Rebellion Sinai. Pagdating sa gameplay at meta identity, halatang-halata na angat talaga ang Rebellion kaya naman mas maganda ang pinakita nilang performance.

Base sa tatlong laro sa kanilang serye, laging nagigipit ang RRQ Sena dahil sa malinis na game plan at execution ng Rebellion. Nagawa lang maka-comeback ng RRQ sa Game 2 dahil napaabot nila ito sa late game ngunit ‘di nagpatinag ang Rebellion at itinala ang 16-minute win sa deciding Game 3.

Dahil sa isa na namang pagkabigo, hindi pa rin nakakahawak ng kampeonato ang koponan ng RRQ sa MDL Indonesia. Ang pinakamataas nilang tagumpay ay noon pang Season 2 kung saan nagtapos sila bilang runner-up sa likod ng non-MPL team na Siren Clan.



Hango ito sa artikulo ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.