Kayang-kaya ipakita ng RSG PH na isa sila sa mga bigating title contenders sa MSC 2022. Napakahusay ng performance ng MPL PH S9 champions, kahit pa pinahirapan sila ng Falcon.

Sa MSC 2022 upper bracket match noong Martes, June 14, nagawa ng RSG PH na tumuntong sa semifinals matapos nilang talunin ang Falcon sa score na 2-1. Dikdikan ang laban at parehong ipinakita ng dalawang teams ang abot ng kanilang makakaya.

Matapos ang malinaw na panalo sa unang game, pinahirapan naman ng Falcon ang RSG sa ikalawang game. Ilang ulit silang nagtangka na pasukin ang depensa ng kalaban, ngunit palagi silang napipigilan ni JustiN at ng kanyang mga kasama, hanggang sa nakuha nilang magawa ng comeback win sa isang game na tumagal ng halos 30 minuto.

Ngunit sa ikatlong game, muli na namang nagpakita ng napakagandang performance ang RSG. Sa loob lamang ng 12 minuto, nagawa nilang mapatumba ang Falcon sa pamamagitan ng mabilis at nakakagulat na atake.

Ang susi sa tatag ng RSG PH bilang isang team ayon kay Coach Giee

RSG PH Coach Giee MSC 2022
Credit: Instagram/RSG PH

Sa pagkakapanalo ng RSG sa Falcon, lalong napagtibay na isa sila sa mga teams na karapatdapat na maging paborito at dapat abangan ng mga teams na kasali sa MSC 2022. Sapat na ang resulta na nakuha nila para patunayan ito.

Isa pang kakaibang bagay tungkol sa RSG ay wala silang player na nangingibabaw sa ibang mga miyembro ng team. Kinumpirma din ito ng RSG PH coach sa MSC 2022 na si Karl “Coach Giee” Barrientos sa ONE Esports. “I don’t want to support or oppose anyone. All players (are key players).”

RSG PH MSC 2022
Credit: Instagram RSG PH

At dahil sa kawalan ng mga prominenteng players sa RSG PH, magiging mahirap para sa kalabang team na alamin kung sino ang pagtutuunan ng pansin.

Ang ganitong klaseng team ay mahirap buuin, lalo na kung susukatin kung gaano sila kabangis ngayon. Siguradong may ginawa ang management o coach na naging epektibo para sa mga players kung kaya naging matagumpay ang RSG.

Para sa ONE Esports, nagbigay si Coach Giee ng kaunting impormasyon tungkol sa susi sa kanilang pagkakaisa bilang isang team, at ito ay may kinalaman sa mga nangyayari sa labas ng game.

“I think the key is just to try to bring a positive atmosphere and make everyone become attached to each other,” sabi ni Coach Giee sa ONE Esports.

Kaabang-abang na mapanood ang kanilang performance sa kanilang susunod na laban sa MSC 2022. Siguradong marami ang gustong makakita ng kung anong kayang gawin ng MPL PH champions laban sa ibang international teams.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.