In-update nitong Nobyembre 20, 10 a.m. (GMT+8): Dinagdag ang RSG PH sa listahan.

Ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational (MPLI) ang isa sa pinaka-prestihiyosong MLBB tournaments sa mundo.

Itinatag noong 2020, lumago ang MPLI sa labas ng Southeast Asia, para mabigyan ng oportunidad ang mga teams na ipakita ang kanilang lakas laban sa ibang mga squads sa ibang parte ng mundo.

Ang torneo, na organisado ng Moonton Games at ONE Esports, ay mayroong US$100,000 prize pool bawat taon.

Tignan natin ang kasaysayan ng kompetisyon at ang mga kampeon nito.



Lahat ng MPLI winners simula 2020 

TAONKAMPEON REHIYON 
2020 Season 1 
(also known as MPLI 4 Nation Cup)
RRQ Hoshi Indonesia 
2020 Season 2Alter EgoIndonesia 
2021ONIC EsportsIndonesia 
2022ONIC EsportsIndonesia 
2023RSG PHPilipinas

Noong 2020 hanggan 2022, nag-imbita ang MPLI ng mga teams mula sa Southeast Asia para lumahok.  

Ngunit ngayong taon, pinalawak na ng kompetisyon ang kanilang saklaw sa North America, Middle East, at North Africa (MENA), at sa mga rehiyon ng China.

Nangibabaw ang Indonesia sa unang apat na editions. Nakatanggap ang ONIC Esports ng back-to-back championships noong 2021 at 2022, habang napanalunan ng RRQ Hoshi at Alter Ego ang titulo noong 2020.

MLBB MPLI 2022 ONIC Esports
Credit: ONE Esports

Sa MPLI 2023, nasungkit ng Pilipinas ang kanilang unang korona, matapos magwagi ang RSG PH sa isang all-Pinoy grand finals laban ang ECHO.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Kumpletong listahan ng MPL PH winners