Ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) ang isa sa pinaka-prominenteng liga sa esports sa Southeast Asia.  

Simula 2018, nagkaroon ito ng malaking parte sa pag-unlad ng mga malalaking esports organizations sa Pilipinas, tulad ng Bren Esports, Blacklist International, at ECHO.

Sumusunod ito sa isang franchise-based na modelo na ginagamit din ng MPL Indonesia.  

Tignan natin ang kasaysayan ng liga at ang mga kampeon nito.



Lahat ng MPL PH winners simula 2018

MLBB MPL PH winners S11
Credit: MPL Philippines
SEASON KOPONANPRIZE POOL 
MPL PH Season 1 Aether Main US$100,000 
MPL PH Season 2 Cignal Ultra US$117,000 
MPL PH Season 3 ArkAngel US$100,000 
MPL PH Season 4 Sunsparks US$100,000 
MPL PH Season 5 Sunsparks US$100,000 
MPL PH Season 6 Bren Esports US$120,000 
MPL PH Season 7 Blacklist International US$120,000 
MPL PH Season 8 Blacklist International US$150,000 
MPL PH Season 9RSG PH US$150,000 
MPL PH Season 10 Blacklist International US$150,000 
MPL PH Season 11 ECHO US$150,000 
MPL PH Season 12 AP Bren US$150,000 

Kasalukuyang hawak ng Blacklist International ang record ng may pinakamaraming titulo sa MPL sa kanilang tatlong panalo, at sinundan ito ng Sunsparks sa kanilang dalawang titulo.  

Ang rehiyon ng Pilipinas ang may pinakamaraming panalo sa M-series. Nanalo ang Bren Esports sa M2 World Championship, ang Blacklist International ay nanalo sa M3 World Championship, at ang ECHO naman ang nanalo sa M4 World Championship.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa MLBB.

BASAHIN: AP Bren pinagharian ang MPL PH S12 sa isang dominanteng grand final performance