Iniluklok ng MPL Philippines ang pinakabagong miyembro ng kanilang prestihiyosong Hall of Legends sa katauhan ng AP.Bren coach na si Francis “Ducky” Glindro, Linggo ng hapon.

Isinapinal ito ng liga sa naganap na induction rights sa EVM Convention Center bago gumulong ang MPL PH Season 12 Grand Finals sa pagitan ng team ni Ducky at ng dekoradong Blacklist International.

Sa seremonya, hindi itinago ng coach ng M2 World Champion team ang kaniyang gulat ukol sa pagkakaluklok sa Hall of Fame bersyon ng liga. Gayunpaman, malaki ang pasasalamat ng beterano sa ipinagkaloob na titulo.

“I hope that you know, this serves as an inspiration to all other coaches and aspiring coaches to achieve greater heights in life. I sincerely hope na yung mga batang nanonood ngayon, see the potential of esports,” saad ni Coach Ducky matapos matanggap ang ceremonial jacket.

Dagdag pa niya, “And all watching right now, this is the testament that if you dream big enough, you can definitely achieve it.”

Si Ducky ang ika-labindalawang miyebro ng prestihiyosong grupo, at ang ikalawang coach na naluklok dito pagkatapos ni Coach Brian “Panda” Lim.



Karera ni Coach Ducky sa MLBB

Bren Esports Coach Ducky MPL PH S11
Credit: MPL Philippines

Si Ducky ang isa sa pinakamatagumpay na Pinoy coaches sa larangan ng Mobile Legends: Bang Bang. Una niyang ipinakita ang kaniyang henyo nang tulungan niya ang EVOS Legends ng Indoensia na makamit ang kampeonato ng M1 World Championship.

Dinala ng coach ang kalibre na ito papunta sa MPL PH, kung san pinangunahan niya ang Bren Esports noong Season 5 na bagamat lumapag lamang sa third place finish ay nagpakita ng kakaibang tira. Hindi nagtagal ay nakuha ng beterano ang tamang timpla ng team para umalagwa sa sumunod na season at makuha ang unang niyang MPL PH tropeyo.

Ipinagpatuloy ni Coach Ducky at ng kaniyang Bren Esports ang arangkada sa M2 World Championship kung saan nakalawit nila ang unang kampeonto para sa Pilipinas.

AP.Bren FlapTzy and Pheww matapos ang tagumpay kontra Blacklist sa MPL PH S12 UB Finals
Credit: MPL Philippines

Ngayong 2023, patuloy ang tagumpay ng pro coach na pinanguhanan ang Team SIBOL na maiuwi ang IESF World Championship sa Romania.

Sa pagkakalulok sa grupo, sasamahan ni Coach Ducky ang dalawang player na kasama niya sa M2 World Champion team, na sina Angelo “Pheww” Arcangel Carlito “Ribo” Ribo Jr., na nauna nang nanomina sa Hall of Legends.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita at guides patungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Ganito sinelyo ng AP.Bren ang kanilang tiket papunta sa M5 World Championship