Ipinakilala ng Moonton ang mga unang inductees ng Hall of Legends noong nakaraang taon sa pagtatapos ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) Season 10.

Ito ay ang programang sinimulan ng MPL upang bigyang parangal ang mga Mobile Legends: Bang Bang esports athletes na nakatulong sa patuloy na paglago ng game at ng esports scene nito.

Bago matapos ang season, ang mga aktibong players, coach, team owner, bahagi ng media, Moonton Games staff, at ang komunidad ay binibigyan ng kaukulang panahon upang magnomina ng mga taong pinaniniwalaan nilang karapat-dapat na makasama sa listahan.

Nagkaroon ng 11 inductees noong Season 10, na nadaragdagan sa pagtatapos ng bawat kasunod na season.

Narito ang kumpletong listahan ng mga inductees ng Hall of Legends, na nag-iwan ng kanilang marka sa MLBB.

Listahan ng mga MPL PH Hall of Legends inductees

MPL PH Hall of Legends inductees
Credit: ONE Esports
PLAYERTEAM
Joshua “Ch4knu” MangilogSmart Omega
Setsuna “Dogie” IgnacioNexplay EVOS
Karl “KarlTzy” NepumocenoECHO
Johnmar “OhMyV33nus” VillalunaBlacklist International
Brian “Panda” LimRSG PH
Angelo “Pheww” ArcangelBren Esports
Christian “Rafflesia” FajuraECHO (former)
Carlito “Ribo” Jr.Bren Esports (former)
Danerie James “Wise” Del RosarioBlacklist International
Jeniel “YellyHaze” Bata-AnonNexplay EVOS
Manjean FaldasCaster
Edward “EDWARD” DapadapBlacklist International

Ang beteranong caster na si Manjean Faldas, na naging bahagi na ng liga mula pa noong Season 1, ay pinarangalan rin bilang honorary inductee.

Edward Hall of Legends
Credit: Moonton

Pinakabagong miyembro naman sa hanay ng mga alamat si Edward “EDWARD” Dapadap na pinarangalan sa pagtatapos ng Season 11.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.