Oras na para i-book ang inyong flights at hotel tickets!

Inilahad na ng Moonton Games ang M5 venues para sa pinakainaabangang world championship tournament ng Mobile Legends: Bang Bang na ginaganap kada taon.

Ang anunsyo ay isinagawa sa kasagsagan ng joint press conference at memorandum of agreement signing sa pagitan ng Moonton at Department of Tourism (DOT) nitong Miyerkules, October 25.



Heto ang tatlong M5 venues sa Malaysia at Pilipinas

M5 venues - Jio Space sa Malaysia; EVM Convention Center at Rizal Memorial Coliseum sa Pilipinas
Credit: Moonton Games

Idaraos ang M5 Wild Card tournament sa Jio Space sa Kuala Lumpur, Malaysia mula November 23 hanggang 26. Susundan ito ng M5 World Championship sa Pilipinas.

Ang M5 Group Stage at unang round kg Knockout Stage ay isasagawa sa EVM Convention Center sa Quezon City, na venue rin ng MPL Philippines Season 12 playoffs.

Ang lokasyon naman ng natitirang Knockout Stage matches ay gaganapin sa makasaysayang Rizal Memorial Coliseum. Ito ang kauna-unahang esports tournament na idaraos sa iconic an venue.

Para sa mga manonood ng M5 Wild Card, magbubukas ang registration sa November 4.

Available naman ang early bird tickets para sa M5 simula October 25 hanggang November 3, at ang regular ticket sales ay magsisimula sa November 4.

M5 tournament format at timeline
Credit: Moonton Games

Ang mga ticket ay available sa Slash Event.

Ang Group Stage ay naka-schedule na ganapin mula December 2 hanggang 7, habang ang Knockout Stage naman ay isasagawa mula December 9 hanggang 17.

Narito ang lahat ng kwalipikadong koponan sa M5 Wild Card at M5 World Championship.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita at guides patungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Team Flash pinatalsik ang 3-time champs, nilista ang pinakamalaking upset sa MPL SG