Ang Starlight skin para sa buwan ng Hunyo ay ang Sanctified Flame Thamuz, na malayo mula sa kanyang mga nakaraang madilim, madumi, at malalim na mga skin.

Ang Sanctified Flame Thamuz skin ay tila may kaunting pagkakahawig sa Lightborn skin series ng Moniyan Empire. Ito ang ikalimang skin ng fighter hero matapos ang Lord of Wraith, Liquid Fire, Abyssal Reaper, at General Kai.

Ang paglabas ng skin na ito ay kasabay rin ng paglitaw ng isang tanong: Maaari bang ito ang unang skin para kay Thamuz kung saan siya’y inilalarawan bilang isang mabuting hero?


Itsura at skill effects ng Sanctified Flame Thamuz

Sanctified Flame Thamuz
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

Sa trailer, makikita ang isang mala-anghel na pigura na kahalintulad ng Stellar Brilliance Beatrix skin na tila sumasanib kay Thamuz, na nagdulot sa kanyang exoskeleton upang magbago ng kulay.

Ang kanyang armor, na ngayon ay makikitaan ng mga gold accents, ay nagpapalabas ng isang maharlikang aura. Bawat detalye, mula sa kanyang mga kuko at breastplate hanggang sa kanyang mga sungay at matatalim na paa, ay pianalamutian ng ginto.

Bagaman ang kanyang default skin ay karaniwang nagtatampok ng nakakatakot na pulang apoy, ang skin ay nagpapakita ng isang buhay at makulay na asul na apoy na malakas na nagliliyab sa kanyang paligid, na nagbibigay-diin sa paglipat tungo sa isang mas enlightened na tema.

Kahit sa transformation, mayroon pa ring nalalabing bahid ng kanyang sinister nature. Ang kanyang mga pangil, na naging kanyang defining characteristic, ay makikita pa rin sa bagong skin, at ang kanyang mga matatalim na matang kulay asul ay patuloy pa ring nagliliyab sa lakas.

Sanctified Flame Thamuz ultimate
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

Sa bawat enhanced basic attack ni Thamuz, magkakaroon ng mga solido at matatalim na bato na lumilitaw mula sa ilalim ng kanyang target na kalaban. Kapag ginagamit niya ang Chasm Trample, isang misteryosong simbolo na may mga kulay na ginto at asul ang lumilitaw sa ilalim ng kanyang landing spot.

Panghuli, may lumilitaw ang malalaking gintong mga pakpak sa ibabaw niya kapag na-activate ang kanyang ultimate na Cauterant Inferno.

Ang kanyang ultimate skill, Cauterant Inferno, ay nagpapakita ng isang kamangha-manghang transformation. Habang lumalabas ang apoy ng kanyang kapangyarihan ay malalaking gintong mga pakpak naman ang makikita sakanyang itaas.



Ang Sanctified Flame Thamuz ay magiging available sa Starlight shop sa June 1.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.