Opisyal nang ipinakilala si Daniel “SDzyz” Chu bilang ang pinakabagong miyembro ng Z4 Pegaxy.

Matapos ang pagbabago mula sa roster ng TNC Pro Team, inanunsyo naman ng naturang amateur Mobile Legends: Bang Bang team na sa kanilang organisasyon lilipat ang jungler.

SDzyz pasok sa Z4 Pegaxy
Credit: Z4 Esports

“SDzyz also known as ‘chuu’ will soon be competing together with the Z4 boys,” sulat ng Z4 Pegaxy sa kanilang opisyal na Facebook page.

(SDzyz, na kilala rin bilang “chuu” ay sasabak na kasama ang tropa ng Z4.)



Paglipat ni SDzyz sa Z4 Pegaxy, opisyal na—pano na si K1NGKONG?

Matatandaang nagkaroon ng mga agam-agam patungkol sa paglipat ni SDzyz sa Z4 Pegaxy nitong mga nagdaang araw. May mga lumabas kasing post-game screenshots kung saan makikita ang naturang MPL PH player kasama ang mga manlalarong may Z4 team tag.

Kaya naman nang opisyal nang ianunsyo ang naturang pagbabago sa kanilang roster, hindi maiwasang tanungin ng ilang fans kung pinalitan na ba ni SDzyz ang orihinal nilang jungler na si Cyric “K1NGKONG” Perez.

“K1ngkong is still a part of our team, and he’s still under our contract,” sagot ng Z4 Esports.

Kasalukang kalahok ang Z4 Pegaxy sa dalawang amateur tournaments—ang Just ML Cup: Rivals of Kings at Kings League.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: M4 World Championship: Schedule, resulta, format, mga koponan, saan mapapanood