Naglabas ang Mobile Legends: Bang Bang ng teaser para sa pinakabagong Collector skin na ikatutuwa hindi lang ng mga assassin mains, kung hindi pati na rin ng mga art lovers — ang Serene Plume Ling!
Hango sa Japanese art ang bagong skin ni Ling. Makikitang nakasuot siya ng light-blue na armor, black na buhok na may puting highlights, at meron ding translucent na balahibo sa likod.

Mga abilities ng Serene Plume Ling
Dahil ito ay nabibilang sa mga Collector skin, talaga namang sulit ang pagkaka-upgrade sa mga abilities ni Ling. Pinagmumukang gawa sa tubig ang kanyang makinang na espada dahil sa mga kislap na lumalabas sa tuwing siya ay umaatake.
Nagiging dark blue shadow na rin si Ling, na kulay light blue kung walang skin, tuwing nagpi-Finch Poise.
Hindi rin pahuhuli ang Templest of Blades, ang highlight ng Serene Plume Ling skin. Tuwing gagamit nito ang hero ay magiiwan ito ng cloud art formation sa lugar kung saan niya tinutok ang SS.
Available na sa in-game shop ang Serene Plume Ling.