Dala ng pinakabagong Mobile Legends: Bang Bang patch 1.5.88 ang madaming pagbabago tampok ang Project: NEXT revamped heroes, mga item adjustments at ganundin ang mas pinagandang user interface.
Sa gitna ng maraming mga pagbabago, hindi maikakaila na ang bagong mage item na Shadow Twinblades ang kinaabangan ng maraming fans. Mas kinakargahan ng item na ito ang killing potential ng assassin mages katulad ng ginagawa ng Blade of Heptaseas sa assassin heroes.
Kaya naman magandang pag-usapan kung anong mga heroes ang puwedeng samantalahin ang bagong item na ito. Sino-sino nga ba sila?
Stats at effects ng Shadow Twinblades
Base sa deskripsyon ng inilabas na item, pinakamagandang buuin ito para sa mga mage assassin para sa karagdagang damage kasama na ang crowd control effect nito. Heto ang kabuuan na maibibigay ng item:
- +70 magic power
- +15% magic lifesteal
- +5% movement speed
Unique passive- Assassination: Kapag walang damage ang nakuha sa loob ng 5 segundo, madadagdagan ang next basic attack ng 200 plus 50% magic power na magic damage. Kasabay nito, may 60% ding slow effect sa target ng 1.5 segundo.
Kaja

Hindi man assassin hero si Kaja pero perpekto pa rin ang item na ito para sa kaniya dahil sa mga abilities at istilo ng gameplay niya.
Nag-iistack ang kaniyang unique passive na Wrath Sanction sa unique passive ng Shadow Twinblades kaya naman magpapa-aray kahit sinong matamaan ng basic attack ng hero.
Tipikal din sa Kaja gameplay ang flicker- Divine Judgement combo na pangpitas sa mga core heroes ng kalaba. Kapag may Shadow Twinblades, mas masakit ang damage na maibibigay ng hero dahil sa assassination effect ng item.
Gusion

Si Gusion ang perpektong depinisyon ng mage assassin. Alam ng lahat ng MLBB players kung gaano kabilis pumunit ng kalaban ang hero na ito, kaya naman kapag may Shadow Twinblades, dobleng pasakit ang kayang dalhin ng tinaguriang “Holy Blade”.
Ang passive effect ng item na mahahalintulad sa Blade of Heptaseas ang susi sa mas malaking kill potential ng Gusion. Siguradong bawat matagumpay na combo ng mage assassin ay matagumpay ding kill para sa kaniya.
Karina

Ang pinakamalinaw na nanalo sa patch 1.5.88 ay ang Karina. Karamihan ng kaniyang mga abilities ay ni-rework na nagbigay daan bilang maging opsyon muli sa bilang jungler. Kapag naman hawak niya ang Shadow Twinblades (na orihinal niya talagang sandata), nakayayanig ang dala niyang damage ouput.
Ang combo ng kaniyang Dance of Blades at passive na Shadow Combo ay perpekto kasama ng bagong mage item dahil sa karagdagang damage at assassination passive na ikinakarga niya sa Karina.
Maaari mong basahin ang summarized version of patch 1.5.88 sa Mobile Legends: Bang bang official Facebook page.
BASAHIN: 3 Heroes na Pantapat kay Paquito