Tinalo ng Nexplay Esports ang Laus PlayBook Esports, 2-1, sa Week 4 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League PH Season 7, pambawi sa kaninang talo sa opening week.
Bagamat marami ang pumupuri kay Renejay ng Nexplay dahil sa kaniyang stellar performance sa pangalawa at pangatlong game, dapat ring tuunan nang pansin ng mga tao ang kaniyang kapwa Nexplay tank, si Yawi, na naging mahalaga sa pagsungkit ng isang reverse sweep victory.
Sa pangalawang laro, ginamit ni Yawi si Akai, isang tank na hindi napipili kahit sa MPL ng ibang rehiyon.
Kahanga-hanga ang kaniyang desisyon sa pagpili ng tank, matapos makakuha ng 14 assists habang tinalo ng kaniyang team ang Laus PlayBook Esports ng may 17-14 kill score.
Siya rin ang pinangalanang MVP ng match dahil sa kaniyang mga crucial plays gamit ang Thousand Pounder at Hurricane Dance combo.
Pinili ni Yawi si Jawhead sa pangatlong game at nagbigay ng peel and crowd control laban sa feeding Diggie strategy ng Laus PlayBook Esports.
Ngunit walang silbi ang strat na iyon laban sa Nexplay Esports na duminado ang laro, salamat kay Yawi dahil siya ang gumawa ng space at gumulat sa kalaban gamit ang kaniyang calculated Ejector plays.
Nagtagumpay ang Nexplay Esports sa pagtigil ng stratehiya ng kalaban at nakakuha ng isang reverse sweep. Ang Jawhead ni Yawi ang nakasungkit ng MVP honors ng may 6/0/17 KDA.
Nasa third place pa rin ang Nexplay Esports sa Group B ng may 10 points.