Makikilala na ang koponang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Mobile Legends: Bang Bang category ng paparating na 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam.
Matapos ang unang phase ng qualifier, magbabakbakan na ang walong koponan para sa pagkakataon na maging parte ng SIBOL, ang national esports team ng Pilipinas.
Narito ang mga impormasyong kailangan niyong malaman tungkol sa palaro.
Ang mga kalahok na teams sa SIBOL MLBB phase 2 qualifier
TEAM | PHASE |
Blacklist International | Directly invited sa phase 2 |
ONIC Philippines | Directly invited sa phase 2 |
Smart Omega | Directly invited sa phase 2 |
Nexplay EVOS | Directly invited sa phase 2 |
RSG Philippines | Naka-qualify mula sa phase 1 |
Bren Esports | Naka-qualify mula sa phase 1 |
El Ganador Esports | Naka-qualify mula sa phase 1 |
Origen Esports | Naka-qualify mula sa phase 1 |
Schedule ng SIBOL MLBB phase 2 qualifier
Nakatakdang ganapin ang nasabing qualifiers simula ika-27 hanggang sa ika-30 ng Enero.
Enero 27 – Playoffs
TEAM | SCORE | TEAM |
Smart Omega | 1 – 2 | RSG Philippines |
ONIC Philippines | 2 – 0 | Origen Esports |
Nexplay EVOS | 2 – 0 | El Ganador Esports |
Blacklist International | 2 – 1 | Bren Esports |
Enero 28 – Playoffs
TEAM | SCORE | TEAM |
Blacklist International | 3 – 0 | Nexplay EVOS |
ONIC Philippines | 1 – 3 | RSG Philippines |
Bren Esports | 2 – 1 | El Ganador Esports |
Origen Esports | 0 – 2 | Omega Esports |
* Dahil sa technical delay, nag-award ng one game advantage para sa Blacklist International bilang penalty sa Nexplay EVOS.
Enero 29 – Playoffs
TEAM | SCORE | TEAM |
ONIC Philippines | 2 – 0 | BREN Esports |
Nexplay EVOS | 2 – 1 | Omega Esports |
Blacklist International | 3 – 0 | RSG Philippines |
ONIC Philippines | 2 – 3 | Nexplay EVOS |
Enero 30 – Lower bracket final at grand final
TEAM | SCORE | TEAM |
RSG Philippines | 1 – 3 | Nexplay EVOS |
Blacklist International | 4 – 1 | Nexplay EVOS |
Talent lineup ng SIBOL MLBB phase 2 qualifier
Ang mga sumusunod na Filipino talent ang magsasalaysaly sa nasabing paligsahan:
Format ng SIBOL MLBB phase 2 qualifier
Binubuo ang SIBOL MLBB phase 2 qualifier ng walong koponan—apat na directly invited at apat mula sa unang phase ng qualifier.
Naka-seed ang mga kalahok sa taas ng double-elimination bracket. Best-of-three ang unang round ng upper at unang dalawang round ng lower bracket. Best-of-five naman ang natitirang mga laban, maliban sa grand final na best-of-seven series.
Ang koponang mangingibabaw ay hihirangin bilang ang opisyal na national team ng Pilipinas sa MLBB category ng paparating na 31st SEA Games.
Saan mapapanood ang SIBOL MLBB phase 2 qualifier
Ila-livestream sa Facebook page ng SIBOL ang buong SIBOL MLBB phase 2 qualifier.
I-follow ang opisyal na Facebook page ng ONE Esports Philippines para sa karagdagang impormasyon tungkol sa SIBOL MLBB phase 2 qualfiier.