Matapos mabigyan ng malaking rework ang Sun sa patch 1.5.88, sinorpresa ng Mobile Legends: Bang Bang ang mga Sun mains sa pagpapalabas ng Simian Curse Sun, ang pinakapabagong Starlight skin ngayong Hulyo.
Sa opisyal na pahayag sa YouTube, kagimbal-gimbal at nakakatakot ang bagong skin na ito kumpara sa default skin ng Monkey hero. Bago sa paningin ang nagbabagang mga mata ni Sun, kasama ang dark purple na balat at mala-apoy na hairdo na taliwas sa dati niyang itsura.
Bukod sa kaniyang pisikal na kaanyuan, makikita din na itim na ang armor at staff niya na kumumpleto sa bagong supervillain na datingan.

Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports
Ang mga skills effects ng Simian Curse Sun
Napakaganda ng epekto ng normal attack ng Simian Curse Sun. Makikita pagkatapos ng kaniyang bawat hampas ang bughaw na apoy na mas kamangha-mangha pa kapag isang target lang kaniyang tinitira.
Nagiging asul naman ang kaniyang itim na staff kapag gumamit ng Endless Variety at Swift Exchange. Bukod dito, makikita ang asul na apoy bawat summon niya ng clone. Hindi ba’t napaka-angas?
Sulit ba ang Simian Curse Sun?

Isa si Sun sa mga pinakamalakas na heroes ngayong patch matapos ang mga adjustments na ginawa sa kaniyang abilities. Pinakatampok sa mga pagbabagong ito ang Swift Exchange- Instantaneous Move combo na nagpapabilis ng paghabol ng Sun sa kalaban.
Nabigyan din ng panakbong ability ang Sun sa Swift Exchange kaya naman hindi kataka-takang isa sa mga most picked heroes ito ngayon base sa pinakahuling MLBB stats.
Siguradong magiging sulit ang pagkuha mo sa Simian Curse Skin. Abangan ang opisyal na paglabas nito sa July 1, 4:00 p.m. (GMT+8)