Kokoronahan ng Mobile Legends: Bang Bang ang bago nitong ocean princess.

Kaakibat ito ng pag-aanunsyo ng pinakabagong Starlight Skin na darating sa Land of Dawn ngayong Agosto, ang Siren Priestess Luo Yi.

Opisyal na anunsiyo tungkol sa Starlight skin na Siren Priestess Lou Yi

Screenshot ni Jules Elona / ONE Esports

Ibinahagi ng Moonton ang paglabas ng preskong Starlight skin sa kanilang official Youtube Page kung saan ipinakita ang nakabibighaning new look ng Yin-Yang Geomancer.

Sa naturang video, makikitang suot ni Lou Yi ang kaniyang signature loose sleeve dress na nagpalutang sa dala niyang blue scale armor para bigyang diin ang ocean Goddess look. Bukod ito, ginawang kulay rosas ang kaniyang buhok na nagpatingkad lalo ng asul at berdeng kulay ng kaniyang kasuotan.

Tampok din sa Siren Priestess Lou Yi ang coral bilang bago niyang sandata, kung saan sinusundan siya ng golden jellyfish saan man siya magpunta. Hindi ba’t perpektong adisyon ito para sa summer season?


Mga skills effects ng Siren Priestess Lou Yi

Tugmang tugma din ang skill at attack animations ng bagong Starlight skin. Halatang water-themed ang bawat basic attack ng mage hero kung saan nagbabato siya ng concrentrated water ball papunta sa enemy hero at creeps.

Para sa kaniyang first skill na Dispersion, presko ang bagong effect nito kung saan nagpapalabas siya ng asul na mga alon na sinasamahan ng water splash animation kapag tumama sa kalaban. 

Sa kabilang banda, swabe ang epekto ng second skill ng Lou Yi kung saan nag-susummon siya ng isang circle na pinalilibutan din ng mga alon. Halos kawangis ito ng epekto para sa kaniyang ultimate na Diversion, ngunit mas matindi at mas malaki lamang ang skill animation.

Maaaring makuha ang Siren Priestess Lou Yi sa Staright shop simula sa August 1.