Nagpakitang gilas na sa wakas si RRQ Skylar sa MPL ID S9. Matapos mahirapan sa mga nakaraang seasons, ang dating RRQ Sena jungler ay ngayo’y isa sa mga mainstays sa RRQ Hoshi.
Nararapat komendahan ang mga pagsubok na dinanas ni RRQ Skylar. Nahirapan siya noong una. Ang mga kabalan niya noon ay sina Lemon at Xinnn, dalawang malalaking pangalan sa pro MLBB scene. Kaya hindi nakakagulat na nahirapan siya.

Ngunit ngayong season, napatunayan ni Skylar na isa siya sa pinakamahusay na gold laners sa Indonesia. Maliban sa kaniyang pagpasok sa main team ng King of Kings, maaring sabihin na ang player na ‘to ang pinaka-consistent na player sa team.
Ang kaniyang kakayahan maglaro ng marksman heroes, lalo na si Beatrix ay dapat bigyan pansin.
Pag sinabing Beatrix, si RRQ Skylar na ‘yan
Hindi na mabibilang kung ilang beses na sinabi ni Skylar na si Beatrix ang kaniyang main hero. Noong nilabas ang hero na may apat na weapons, tiyak na ginamit ito ng RRQ Hoshi.
Ang win rate ni Skylar gamit si Beatrix ay mahusay rin. Ginamit niya ito 12 times sa MPL ID S9 at napanalo niya ito nang 9 na beses at maaring sabihing halos lahat ng mga larong ito ay siya ang nagbuhat sa team.

Kaya nakapagtataka na maraming teams pa rin ang hindi naniniwala sa kakayahan ni Skylar gamitin si Beatrix. Ang 12 games na panalo ay ebidensiya nito.
Nagulat rin ang EVOS Legends kaptain na si REKT. Ibinunyag niya na may apat na heroes na mahusay na nilalaro ni Skylar maliban kay Beatrix.
“Dapat i-ban si Skylar sa paggamit kay Beatrix. Ang mga apat na pinakamalakas na heroes ay sina Beatrix, Clint, Brody, Popol, at Kupa,” sabi niya.
“Hindi na niya nilalaro si Bruno. Nakakatakot ang lakas niya. Kahit na ranked pa o sa MPL, mataas ang MMR ni Skylar,” dagdag niya.