Kakaibang lebel ng Mobile Legends play ang ipinamalas ng Smart Omega sa ikalawang serye ng MPL PH S8 Playoffs Day 1 kung saan itinumba nila ang 5th seed ECHO, 3-1, para umabante sa second round.


Swabeng early game ang nagbigay daan sa 3-1 panalo ng Smart Omega

Matapang at desimuladong early game atake ang isinalang ng MSC 2021 Grand Champions sa nasabing serye, kung saan tinapos nila ang mga naipanalong mga laro sa loob lamang ng 13 minuto.

Malaki ang ginampanan ng Mathilda ni Joshua “Ch4knu” Mangilog sa early rotation at team fight repositioning ng Smart Omega na nagbigay daan sa mabilis na game 1 panalo.

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Habang sa game 3 naman, Hayabusa ni Dean “Raizen” Sumagui ang pumunit sa mga miyembro ng ECHO. Nagtala ang preskong jungler ng 9/0/3 KDA para sa MVP gantimpala.

Hindi naman nagpahuli sa eksena ang team captain na si Patrick “E2MAX” Caidic na nagpamalas ng henyong Diversion play sa kaniyang Lou Yi sa game 4 para bigyang daan ang death push ng OMG papunta sa 3-1 series panalo.

Ayon sa kapitan, batid ng kupunan ang kinailangan nilang gawin bago magsimula ang MPL PH S8 Playoff opener nila.

“Since alam namin na kaya naming mapull-off ang late games, pinalakas namin yung early game,” banggit ng beteranong midlaner sa postgame interview.


E2MAX sabik na makaharap ang Blacklist International sa 2nd Round ng MPL PH S8 Playoffs

Credit: MPL Philippines / Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Kasabay ng MPL PH S8 Playoff Round 1 panalong ito, aabante ang Smart Omega sa bracket kung saan haharapin nila ang pinakamalaki nilang karibal na Blacklist International.

Matatandaang makailang ulit na nagharap ang Omega at Blacklist sa grand finals ng mga torneyo tulad na lamang noong MPL PH Season 7 at MSC 2021.

Hindi naman maitago ni E2MAX ang kaniyang pagka-sabik sa tunggaliang ito. “Sobrang excited na po kami makalaban ang Blacklist. Alam naman natin sobrang daming issue noong nakaraan. Gusto lang namin maipakita na [sic] ibalik yung dating laban ng Blacklist tsaka ng Omega. Yung dating healty rivalry.”

Credit: Blacklist International

Hiling naman ng kapitan ng Smart Omega na sana ay hindi na maging mainit ang mga fans ng dalawang fans sa isa’t-isa.

“Sana yung mga fans hindi na magaway-away kasi wala naman kaming hinaing sa mga players. Talagang tropa-tropa lahat and gusto lang namen ma-enjoy yung game,” dagdag niya.

Magsisimula ang round 2 ng MPL PH S8 Playoffs sa October 22.


Sundan ang Facebook page ng ONE Esports PH upang masundan ang pinakahuling balita tungkol sa MPL PH S8 Playoffs!