Nagpapatuloy ang Mobile Legends: Bang Bang x Star Wars collaboration sa bagong Obi-Wan Kenobi Alucard skin.

Sasamahan niya ang Yoda Cyclops at Darth Vader Argus sa Land of Dawn bilang pangatlong skin sa exclusive collection ng Moonton at Lucasfilm. Hawak ang kaniyang klasikong blue lightsaber, swabeng-swabe ang dating ng Jedi Master sa kaniyang splash art lalo na in-game.


Hitsura ng Obi-Wan Kenobi Alucard skin

Credit: Moonton

Bilang pagpupugay sa malaalamat na karakter na ito, minarapat ng Moonton na hanguin ang klasikong hitsura ni Obi-Wan. Matipuno ang dating ng Alucard ngayon na may signature wavy brown na buhok at bughaw na mga mata, off-white na V-neck collar layers, brown na sinturon at knee-high na mga boots.

Kapag gagamit naman ang Obi-Wan Kenobi Alucard ng skills, hindi maikakaila ang bangis ng luminous effects ng kaniyang blue lightsaber.

Partikular na nakamamangha kapag minamarkahan niya ang kaniyang target gamit ang Fission Wave kung saan nagtatagpo ang berde at pulang lightsabers sa kabuuan ng duration ng skill.


Bagong skill effects ng Obi-wan Kenobi Alucard

Credit: Moonton / Screenshot ni Amanda Tan ng ONE Esports

Pinaka-kapansinpansin ang glowing effects ng blue lightsaber kapag ginagamit ng Obi-Wan Kenobi Alucard ang Whirling Smash.

Bukod dito, maangas din ang skill effect kapag in-activate ni Alucard ang Fission Wave kung saan ginagamit niya ang kaniyang kaliwang kamay para manipulahin ang The Force.

Kapag naman na-recast ang skill, magara ang posing ng ng hero dahil itataas niya ang kaniyang kaliwang kamay sa isang pose gaya kung papaano kinokontrol ng karakter ang The Force sa mga palabas.

May unique spawn effect at elimination effect din na siguradong magpapa-hype lalo sa mga users nito.

Maaari ng makuha ang Obi-Wan Kenobi Alucard skin sa in-game store ngayon.


Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga bagong handog ng Moonton at marami pang iba!