Pagkatapos iuwi ang prestisyosong Mobile Legends: Bang Bang Professional League MY season 7 at iselyo ang 4th place sa nakaraang MSC 2021, sorpresang roster update ang inanunsyo ng RSG Malaysia.

Kinumpirma ng kupunan na bibitawan na nila ang bantog na offlaner na si Mohamad Amir Afdhal “Syno” Bin Ruzlan.

Opisyal na pahayag ng RSG MY tungkol kay Syno

Sa isang post sa Facebook page ng RSG MY, nagpaalam ang organisasyon sa isa sa mga pinakamatikas na pro sa kanilang liga. Gayundin ang pasasalamat ng kupunan sa malaking kontribusyon ng offlaner para ilagay sa tugatog ng Malaysian eksena ang RSG. 

Credit: RSG MY Facebook Page

“We appreciate all his sweat and time here so much and proud that Syno was part of the RSG MY team,” ani ng MPL MY Season 7 champions. “Syno is known as the King of Chou and now we want to say goodbye and a million thanks to him as RSG MY MLBB player.”


Paano niya tinulungan ang RSG MY sa kanilang biyahe sa MLBB

Credit: MPL MY

Kahit pa hindi masyadong kita ang impact na dala ng offlaner sa kanilang makabag-damdaming grand finals kontra Todak sa MPL MY Season 7, malaki ang dalang kargada ni Syno kapag kinakailangan siya ng team sa regular season. 

Salungat naman ang ipinakita niya sa Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2021 kung saan susi ang kaniyang plays para patalsikin ang IDONOTSLEEP Esports ng Thailand sa 2-0 sweep.

BASAHIN: Tinalo ng RSG MY ang defending champions para kunin ang MPL MY Season 7