Si Chou ang pinakasikat na fighter sa Mobile Legends: Bang Bang. Meron syang gap closer, maaasahang stun, escape ability, at mga mahahalagang stats kung kaya’t sya ay isang top tier pick sa kahit anong game.

Sa sobrang versatile nya ay marami ang gumagamit sa kanya bilang roamer. Isa sa mga pinakamalaking fan ng tank Chou ay si Mohamad Zul Hisham Bin “Xorn” Mohd Noor, roamer ng Geek Fam MY sa MPL MY Season 8.

Ang hero na ito ay may mataas na skill ceiling, at kailangang paglaanan ng oras par maging bihasa sa paggamit nito. Ayon kay Xorn, kailangan mong maglaro ng halos 200 games para ma-master ang mga skills at combos ni Chou.

Matutong gumamit ng tank Chou sa pamamagitan ng comprehensive Mobile Legends guide ni Geek Fam Xorn.


Chou Skills sa Mobile Legends: Bang Bang

Passive – Only Fast

MLBB Chou Only Fast
Credit: Moonton

Matapos gumalaw ng 8 yards, ang susunod na basic attack ay magkakaroon ng 180% damage at magdudulot ng 80% slow sa mga kalaban.

  • Kinakailangan na laging gumagalaw si Chou upang magamit nang maayos ang Only Fast. Sa laning phase, subukang gumalaw palagi sa iyong lane upang ma-spam ang passive effect.
  • Pwede ring ma-activate ang passive gamit ang Jeet Kune Do o Shunpo.
  • I-check sa interface sa ibaba kung nala-activate na ang Only Fast. Pwede mo ring tignan ang kamao ng character. Pag umaapoy ito, ibig sabihin ay gumagana na ang passive.
  • Walang cooldown ang skill, nangangahulugan na maaari itong gamitin ng kahit ilang beses depende sa iyong paggalaw.

Skill 1 – Jeet Kune Do

Magbabato si Chou ng suntok sa bawat skill cast, na nagbibigay ng physical damage sa mga tatamaang kalaban, hanggang tatlong ulit. Mapapaangat ang mga kalaban sa third attack.

  • Pag tumama ang third attack sa kalaban, nagre-reset ang cooldown ng Shunpo.
  • Ito ang bread and butter skill ni Chou. Siguraduhing ma-spam ito sa laning phase at tandaan lagi ang stun sa third hit. Bilang tank Chou, magtago sa bush at gulatin ang mga kalaban na nago-overextend.
  • Maaaring gumamit ng ibang skills sa pagitan ng Jeet Kune Do.
  • Ang paggamit ng flash bago ang huling suntok ay magandang gap closer, marami ang magugulat dito. Bago matapos ang animation ng huling attack, mag-flicker papunta sa kalaban at gamitin ito. Sanayan lang ang paggamit nito pero sobrang epektibo pag na-master.

Skill 2 – Shunpo

Sumusugod paabante si Chou, at habang ginagawa ito ay immune sya sa mga control effects. Pagkatapos ng pagsugod, nadadagdagan ng 15 ang physical penetration ni Chou at nagkakaron sya ng shield na tumatagal ng 2s.

  • Kinokontra ng skill na ito ang halos lahat nang crowd control effect, kaya’t siguruhin na tyempuhan ito bago magbitaw ng crowd control ang kalaban. Makakatulong rin kung pag-aaralan ang skills ng ibang heroes upang magamit ng mabuti ang Shunpo.
  • Maaaring gamitin ang Shunpo sa pagitan ng second at third attack ng Jeet Kune Do. Sa ganitong paraan, magagamit mo ulit ang Shunpo pagkatapos ng third attack upang mas malayo ang paggalaw. Importate ito pag papasok sa team fight o pag tatakas.
  • Nagbibigay din ang skill na ito ng maliit na shield, makakatulong rin na isabay ito sa pagbato ng kalaban ng skill na may malakas na damage.

Ultimate – The Way of Dragon

Nagbibitaw si Chou ng isang roundhouse kick na nagpapatalsik sa kalaban at nagbibigay ng physical damage.

Pag ginamit itong muli, hahabulin ni Chou ang kalaban sa ere at magbibigay ng di bababa sa 400 physical damage.

  • Siguraduhing i-max ito hangga’t maaari.
  • Huwag magdalawang-isip na gamitin ito sa pagtakas. Lalo na kapag humahabol sa’yo ay ang core o marksman ng kalaban.
  • Siguraduhin na gamitin ang The Way of Dragon palapit sa iyong mga kakampi at hindi palayo sa kanila. Isang maliit na pagkakamali lang ay madaling makakatakas ang kalaban pagkatapos ng unang sipa.
  • Huwag kalimutan na muling i-cast ang skill pag nasipa na ang kalaban, para mahabol ang kalaban sa ere para magbigay ng dagdag na damage at mapahaba ang stun duration ng The Way of Dragon.

Isang komprehensibong gabay sa paggamit ng tank Chou ayon kay Geek Fam Xorn

Battle spell ng tank Chou ayon kay Geek Fam Xorn

MLBB Flicker
Credit: Moonton

Ang inirerekomendang battle spell para kay Chou ay Flicker. Ito ay sa kadahilanang bumabagay ito sa kanyang mga skills, nakakatulong din itong makapag-set up ng plays para sa Jeet Kune Do at The Way of Dragon.

Nakakadagdag din ito ng mobility kay Chou, kung kaya’t isa sya sa mga pinaka mobile na roamers sa early game. Ang lakas ng tank Chou ay nasa crowd control, kung kaya’t kinakailangan na makalapit ka sa mga kalaban ano man ang mangyari.


Emblem para sa tank Chou ayon kay Geek Fam Xorn

MLBB emblems Tank Support
Credit: Moonton

Dalawa ang pwedeng gamiting emblem para kay Chou, depende sa iyong playstyle. Gumamit ng tank emblem kung gusto mom aging safe at panatilihin ang pagiging makunat sa team fights.

Binanggit naman ni Geek Fam Xorn na kung mataas ang iyong kumpyansa at gusto mong makagawa ng mahuhusay na plays gamit ang tank Chou, support emblem ang ginagamit ng mga advanced players.


Best build ng tank Chou ayon kay Geek Fam Xorn

Credit: Moonton

Para naman sa tank Chou build, sinabi ni Xorn na ang mga common tank items tulad ng Antique Cuirass at Athena’s Shield ay hindi pwedeng mawala kung nais mong magtagal sa laban.

Sa ilang pagkakataon naman, inirerekomenda ni Xorn ang pagbuo ng War Axe bilang offensive option. Ayon sa kanya, natural na tanky na si Chou, at hindi makakasama na maglagay ng kaunting offensive items.


Isang mabilis na Mobile Legends guide para sa easy combos ng tank Chou

MLBB Chou Thunderfist skin
Credit: Moonton

Isang common combo para sa tank Chou ay ang paggamit ng unang dalawang hits ng Jeet Kune Do, at pag abante gamit ang Shunpo.

Kapag malapit ka na sa kalaban, gamitin ang ikatlong hit ng Jeet Kune Do para sa stun, ipwesto ang sarili sa likod ng kalaban gamit ang Shunpo. Sa sandaling ito ay pwede nang gamitin ang The Way of Dragon upang sipain ang kalaban papunta sa iyong mga kakampi.

Payo ni Xorn na sanayin ang perfect execution ng mga skills ni Chou, at maging agresibo sa lahat nang oras. Malakas na early game hero si Chou, at malaking tulong na maunahan ang kalaban bago pa ito makabuo ng mga core items.

Mabuti rin na ma-invade ang enemy jungle sa unang minute ng game, basta walang agresibong tank ang kalaban tulad ni Tigreal o Khufra.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na katha.