Painit nang painit ang mga tagpo sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 8 (MPL ID Season 8) matapos magpasiklab ng Aura Fire gamit ang tank jungle.

Kung isa ka sa mga manlalarong nais din itong subukan sa ranked games, lalo na’t ginawa rin ito ni Kiel VJ “KielVJ” Hernandez ng Smart Omega sa MPL-PH Season 8, may paalala para sayo si Jordan “High” Sumual ng nasabing Indonesian team—’wag muna.

Ang pag-execute ni High ng Aura Fire sa tank jungle sa MPL ID Season 8

Credit: Moonton

Naging sentro ng atensyon noong ikalimang linggo ng regular season ng MPL ID Season 8 si High matapos magpakitang-gilas ang kanyang tank jungle Baxia at Uranus kontra ONIC Esports.

Marami ang nagulat sa kanyang Baxia performance sa unang mapa matapos niyang makapagtala ng limang kills at 20 assists kontra limang deaths. Wagi ang Aura Fire sa naturang serye sa iskor na 2-1.

Sinubukan niyang ulitin ang strategy kontra EVOS Legends naman, ngunit bigo ang koponan na ipanalo ang serye.

Sa kabila nito, nagsilbing patunay ang kanilang tagumpay kontra ONIC Esports na gumagana ang jungler tank strategy.

Ang advice ni High sa mga gustong gawin ang tank jungle strategy sa ranked games

Aura Fire High, ang manlalaro na gumamit ng tank jungle strategy
Credit: MPL ID

Sa isang panayam, kinwento ni High kung paano sila nagtagumpay gamit ang nasabing stratehiya.

“We have practiced the strategy in scrims and I discussed it thoroughly with my fellow teammates,” ika niya.

Inabisuhin din niya ang mga manlalaro, lalo na ang mga solo player, na ‘wag ito gawin sa RG lalo dahil mahirap itong pahanahin kung hindi coordinated ang isang koponan.

“Don’t follow it,” dagdag ni High. “If it’s a random pick, I will feel sorry for you solo rank.”


Masusubaybayan ang MPL ID Season 8 sa mga opisyal na Facebook page, YouTube channel, at NimoTV channel ng turneo.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.