Patuloy na namamayagpag sa MPL Philippines Season 8 ang pagsasalang ng mga tanks at fighters bilang junglers, kung saan nakapokus ang cores na ito sa pagselyo ng objectives at pagtulong sa mga team fights.

Isa ang ONIC Philippines sa mga matagumpay na teams na gumagawa nito, kaya naman noong ipinahawak ang Karina kay Kairi “Kairi” Rayosdelsol, naging palaisipan ito para sa mga fans sa kanilang game 2 kontra NXPE.

Pero gaya ng mga performance ng child prodigy ngayong Season 8, malinamnam ang pagkakaluto niya sa Karina gameplay na ito na humabag sa NXPE.

Tank Build ang Karina ni Kairi kontra NXPE

Kapansin-pansin ang ipinakitang item build ni Kairi sa asssassin hero na unang beses pa lamang naisasalang ngayong Season 8. Apat na magic defense items ang makikitang kasama sa huling listahan ng mga items ng Karina ni Kairi sa Game 2.

Hindi nag-atubiling kumuha ng Radiant Armor at Magic boots sa tinaguriang “The Future” sa early game bilang pangontra sa mataas na magic damage output ng komposisyon ng NXPE na binubuo ng Natan, Lunox at Selena.

Screenshot ni Calvin A. Trilles/ ONE Esports

Naging matagumpay ang atake ng Karina ni Kairi na naglista ng disenteng 8/3/6 KDA na tumulong isarado ang serye at gawing solido ang kanilang 2nd place position sa standings matapos ang Week 5.


Sa positioning at objectives nakatuon ang Karina ni Kairi sa Game 2

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Pagpasok ng Game 2 kontra Nexplay EVOS, hindi pinahiya ni ONIC PH jungler ang last phase Karina pick ng kaniyang team na ipinantapat nila laban sa Natan core ng kabilang team.

Naging malaking target ang Karina ni Kairi sa early game para sa panig ng NXPE. Gayunpaman, sinigurado ng core player na ituon parin ang kaniyang pansin sa pagkuha ng mga early game objectives tulad ng jungle buffs at ng Turtle.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Sa mga pagkakataong din ito nakakuha ng mga kills ang jungler, na malaki ang parte para mas mapabilis ang power spike ng kaniyang assassin hero.

Mapapansin din na bagamat natural na agresibo ang gameplay ni Kairi, naging pasensyoso siya sa paggamit ng off-meta assassin.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Sa mga teamfights na naganap sa nasabing laro, swabeng positioning at matinding pagtitimpi ang ipinakita ng jungler na hinayaan munang pumasok ang Grock at Paquito para simulan ang mga engkwentro.

Kasama ng matalinong hero targeting sa backlines, madaling napitas ni Kairi ang mga miyembro ng NXPE na nagbukas ng daan para sa pagkuha ng kaniyang teams ng mas maraming objectives.


Antabayanan ang ganitong mga uri ng hero analysis sa pamamagitan ng pagsubaybay sa ONE Esports Philippines Facebook page!